35🎭

95 1 0
                                    

Vedaclee's POV









Gabi na ngayon. Andito kami ni Jude office niya. Dahil nga matagal siyang under security dahil sa akin hehe. Wala na siyang oras na maasikaso ang Lions Bar kaya ngayon tambak ang mga trabaho niya.

Tinitignan ko lang siya habang nagtatrabaho. Tumayo ako dahil ang boring, oo.

"Bhe" napatingin siya sa akin. "Inaantok kana ba?"

"Oo pero ayos lang naman ako." sabi ko.

"Tara---" tatayo sana siya. Umiling ako.

"No, gawin mo muna yang trabaho mo. Lalabas lang naman ako para maaliw-aliw ang paningin ko para mawala ang antok ko." Sabi ko.

"Sige, sure ka?"

"Oo naman."

"Sige, bibilisan ko ha." Sabi niya at nagtrabaho na ulit. Lumabas na ako sa office niya at pumunta sa may bar counter.

Umupo ako at tumingin-tingin sa paligid.

"Miss Boss, may gusto po ba kayong inumin?" Tanong ni Benj sa akin. Napangiti naman ako dahil simula ng pinakilala ako ni Jude sa mga empleyado niya bilang girlfriend ay Miss Boss na ang tawag nila sa akin.

"Isang sex on the beach"  Na miss ko naman si Noel. Kamusta na kaya iyon?

"Coming up Miss Boss." Gumawa na siya. Walang minuto ay nabigay na niya sa akin ang inumin ko.

"Thanks Benj." Sabay inom. Nakaupo lang ako rito habang nakatingin sa mga tao sa paligid.

Napatingin ako sa oras at gabing gabi na. Unti unti na nang umaalis ang mga tao. Hanggang alas dose lang ang Lions Bar.

Tumayo na ako at naglakad patungo pabalik sa office niya. Pagbukas ko sa pinto ay bumungad ang pagmumukha niya sa akin.

"Ta-tapos kana?" Nauutal na sabi ko.

"Bat nauutal ka Bhe?" Hinampas ko siya.

"Bumungad ba naman ang pagmumukha mo sa akin." Sabi ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Benj mag iingat kayo pauwi ha." Sabi niya.

"Yes boss"

"Bye po Miss Boss"  sabi ng ibang empleyado niya. Tumango naman ako.

Nakalabas na kami ng Lions Bar. Sumakay na rin kami sa kotse niya.

"Nawala ba ang antok mo?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya.

"Oo. Ikaw ba nagawa mo naman ang trabaho mo?"

"Oo pero hindi pa ako tapos."

"Bakit hindi ka nalang kaya mag hire ng magpapatakbo sa Lions Bar. Si Benj kaya." sabi ko.

"Gusto ko kasi ako mismo ang magpapatakbo sa Lions Bar."

"Ganun ba. Edi manager lang siya tapos ako naman, tulungan nalang din kita." sabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Diba sabi mo hindi ka mahilig sa business."

"Oo pero...basta girlfriend mo ako diba?" Sabay ngiti sa kanya. Ngumiti naman siya tsaka tumango.

"Sige kung ano gusto mo." Sabay wink niya.

Nakarating na kami sa condo niya.

Umupo ako sa sofa. Siya naman ay pumunta sa kusina. Di na ako nakakauwi sa Mansion. Wala gusto ko na rito kasama siya eh.

"Bhe" napatingin ako sa kanya.

"Di kana inaantok diba?"

"Bakit? At ano yang tinatago mo sa likod mo?" Tanong ko. Ngumiti siya.

My Saddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon