Jude's POV
Lions Bar
Kinakalma ko ngayon ang sarili ko dahil sa nalaman ko.
"Oh" sabay bigay ni Anderson sa akin ng beer. Maaga pa naman kaya hindi pa nagbubukas ang bar.
"Kailangan mong kumalma Marco. Baka masira mo pa lahat ng kagamitan mo rito sa bar." Sabi ni Arellano sa akin. Andito ang mga Lions except lang kay Captain.
"Potek naman kasi mga Bro. Nung isang buwan ang saya ko pa dahil sinagot na niya ako. Nagdate kami halos araw araw kasi nga sabi niya magiging busy raw siya at ayaw niyang madisturbo kaya sinulit ko yung araw na makakasama ko siya. Then ito malalaman ko nalang na ganyan." Inis kong sabi.
"Nabasa na ni Insan ang mga text ko sa kanya." Sabi ni Scherzinger. Lumapit si Lawrence sa kanya at tinignan ang phone ni Scherzinger. Kinuha naman niya ang phone niya at chineck ito.
"Oo nga na seen na ni Captain ang text ko." Sabi ni Lawrence. I look at my phone alos at na seen na rin ni Captain ang text ko.
"Should I call Captain?" Tanong ko sa mga Lions.
"For sure kasama niya si Veatrice and kaya sige tawagan mo." Sabi ni Lou.
"Oo para naman malaman ni Veatrice ang nangyari sa kapatid niya." Sabi ni Stanford.
"Maybe they know na." Sabi ni Hilton.
"Well, probably but incase lang baka hindi pa nila alam." Sabi naman ni Chua.
"Tawagan mo na si Captain, Marco, and tell them also about doon sa mga kung sino yung naghahabol sa atin." Sabi ni Chen. About naman doon ay may mga di kami kilalang tao na bigla bigla nalang kaming hinahabol at hinahanap si Captain.
Mafias, panigurado.
"Oo at sabihin mo rin na naghahanap si Tito sa kanya." Sabi naman ni Samson.
Napatingin naman ako sa Wall Tv ko rito sa may bar counter.
Si Vedaclee Fuentes ang sinasabing suspect sa pagkapatay nito. Ayon sa anak ng biktima na si Miss Trixie Ahn, ito lang po naman ang taong may galit sa ama niya. Gabi raw ng nakita pa raw niya na nagkasagutan sina Mr. Gibson Ahn at ang suspect sa loob ng opisina nito. May sabi sabi rin na kabit raw ito ni Mr. Gibson. Ito po ang asawa ni Mr. Gibson Ahn kausapin po natin.
"Ma'am ano po gusto niyong sabihin sa nangyari sa pagpatay sa asawa niyo?"
"Kung saan man ngayon nagtatago ang babaeng nag ngangalang Vedaclee Fuentes. Kabit ng asawa ko. Sana man lang nag isip ka bago mo siya pinatay. Mahiya ka naman. Kaedad mo lang ang nag iisang anak namin tapos pumatol ka pa sa asawa ko. Ang pinakamasama pa ay pinatay mo siya.
Napatayo naman ako at hinawakan naman agad ako nina Arellano at Anderson ang balikat ko.
"Kalma Marco. Magwawala ka na naman niyan." Sabi ni Scherzinger.
"Nonsense!" Galit na sabi ni Chen at tinurn off ang TV.
"Di naman ganun kasama ang girlfriend ko mga Bro para pumatay diba?" Tanong ko sa mga Lions. Tumango silang lahat.
"Bro, Vedaclee's not a killer. She maybe a saddist and cold-hearted woman but hindi niya magagawa yan." Sabi ni Hawkins sa akin. Tumango naman ako.
"Hindi naman masama si Vedaclee eh. At for sure napagbintangan lang siya." Sabi naman ni Raven. Tumango ako sa kanya. Naging magkaibigan rin sila ni Vedaclee kaya for sure may alam rin siya sa ugali nito.