Trixie's POV
Nag iimpake ako ngayon. Ang bank account ko at ang pinagbintahan ko naman ng kotse ko ay para iyon naman ang gagamitin ko para makapagsimula ng panibagong buhay.
Nakakulong na ngayon si Mom at yung Greg na iyon. Si Vedaclee naman ay pinagbayad lang ng total of damages at iyon ang binigay ko sa ang mga maids namin tsaka umalis sila kanina lang.
Nilock ko na ang bahay at ang gate. Maglalakad na sana ako ng may humintong kotse sa harap ko at bumaba ang isang lalaki na nakasuit.
Napatingin naman ako sa isa pang kotse na dumating rin na kasunod lang.
"Aalis ka?" Tanong ni Vedaclee sa akin ng makababa siya sa kotse. Ngumiti siya sa lalaki at lumapit sa akin.
"She is Trixie Ahn. My half sister." Nakangiting pagpakilala ni Vedaclee sa akin. Ngumiti ang lalaki sa akin.
-----
Third Person's POV
"Hi Miss Trixie Ahn. I'm Attorney Edward. Ako ang abogado ng Dad niyo. Nasa akin ang pinagawa niyang will and testament." Pakilala ng lalaki at sabi nito sabay bigay ng folder kay Trixie. Kinuha ito ni Trixie at tinignan.
"Nasa will and testament ng Dad niyo nakasaad diyan. 50 percent ng yaman niya ay sa iyo and ang 50 percent naman ay sa kapatid niyo na si Irish Ahn." Nagkatinginan sina Vedaclee at Trixie. Medyo na gulat rin si Vedaclee.
"Bakit kasama ako?"
"Nung pinapagawa ni Mr. Ahn ang will and testament niya. Binigyan ka niya ng share dahil gusto niya na may ikapambawi siya sa iyo. Tsaka hinahanap ka rin niya noon but you're nowhere to found."
Nagkangitian naman sina Trixie at Vedaclee.
"Attorney, pwede ba kay Trixie nalang lahat ng yaman ng Ahn." Sabi ni Vedaclee. Nagulat naman si Trixie.
"Hindi unfair yun Vedaclee."
"And why?"
"Vedaclee, dapat ang sa akin nga mga 10 percent o wala talaga eh. Ayos lang kasi ang totoo naman ay ikaw talaga ang anak ni Dad." Angal ni Trixie.
Umiling si Vedaclee. "Yes and No. Yes dahil ako nga ang tunay na aank. Pero No dahil kahit di ka kadugo ni Dad. Isa ka naring Ahn at anak ka ni Dad at kapatid kita. And isa pa di ko naman inaayawan ang mana dahil galit pa ako kay Dad. Hindi na noh. Hindi ko lang matatanggap dahil di ko naman kailangan."
"Pero Vedaclee."
"Yung ikaw mismo ang nagbigay ng justice kay Dad. Sobrang pasalamat ko na saiyo yun. Ikaw ang naglinis ng pangalan ko at lalo na ikaw ang nagpakulong sa Mom mo, kahit alam ko na hindi madali para sa iyo. Ikaw lang mag isa at diba sinabi kong matatag ka. Totoo yun at nagpapasalamat ako saiyo, sobra. Tsaka bayad ko na rin saiyo lalo na sa mga kasalanan ko. Saiyo na ang lahat ng mana ko."
Tumingin si Vedaclee sa Attorney. "I decided na ibibigay ang mana ko kay Trixie."
Tumango naman ang Attorney. "I will work on it and I will call for you to sign as an confirmation and agreement."
"Sure, thank Attorney." nagshakehands sila at umalis na ang Attorney.
"Ako dapat ang magpasalamat saiyo Vedaclee." Sabi ni Trixie. Ngumiti si Vedaclee tsaka napatingin sa mga maleta ni Trixie.
"Aalis ka?" Takang tanong ulit ni Vedaclee.
"Oo. Aalis muna ako rito para makapagsimula. Tsaka para makamoveon."
Tumango si Vedaclee sa kanya. "Tara ako na maghahatid saiyo." Sabi ni Vedaclee. Sumakay na sila sa kotse at nagmaneho na patungo sa Airport. Nakarating na sila Airport. Nakatayo sila sa may entrance.
"Komontak ka parin sa akin ha. Para alam ko kung ano na ang nangyayari saiyo." Sabi ni Vedaclee.
"Parang ate lang umasta ha." Sabi ni Trixie. Nag smirk naman si Vedaclee.
"Oo pala, sino ba ang mas matanda sa atin?" Tanong ni Trixie.
"Malamang ako. Ako ang mature sa atin eh." Sabi ni Vedaclee. Ngumiti naman si Trixie.
"Hahah! Oo na hindi na ako aangal."
"Tawagin mo nalang akong Ate or sister, starting now." Sabi ni Vedaclee. Ngumiti naman si Trixie.
"Noon bitch ang tawag natin sa isat-isa. Ngayon sister na? Ewan ko kung hanggang kailan ako masasanay."
Umirap si Vedaclee. "Edi sanayin mo. Oo pala pag maayos kana. Bumalik ka rito para mapakilala naman kita sa isa ko pang kapatid bilang isa ko ring kapatid." Sabi ni Vedaclee.
"Opo Ate." Nakangiting sagot ni Trixie. Ngumiti naman si Vedaclee at yumakap kay Trixie.
"Mag iingat ka ha." Bulong ni Vedaclee. Tumango si Trixie.
"Baka nakakalimutan mo. Queen of Bullying ako Ate."
"Haist alam ko. Ewan, ito pala ang pakiramdam na may kababatang kapatid." Sabi ni Vedaclee.
"Bakit mo nasabi yan?"
"Tuwing pasaway kasi ako. Pinapagalitan ako ni V, siya yung Ate ko. Alam ko na nag alala siya sa akin pero iba pala pag ikaw ang Ate."
Ngumiti si Trixie. "Babalik rin ako Ate. Magkikita rin tayo ulit at mag bonding tayo ha."
Tumango si Vedaclee. "Hmmm masaya yan. Sige na baka maiwan ka pa. Di na talaga kita papaalisin." Napatawa naman silang dalawa. Nagyakapan sila ulit at kumakaway na si Trixie kay Vedaclee habang naglalakad siya papasok sa gate.
"See you soon Sis." Sambit ni Vedaclee ng mahina ng hindi na niya makita si Trixie.