Jude's POV
I open the door at pumasok na ako. Andito na kami sa condo ko. Tinignan ko siya na nakatayo lang sa labas ng pintuan.
"Pasok ka" sabi ko.
"Sorry kanina nung iniwan---"
"Yeah and I think you should explain that." Sabi ko. Bumuntong hininga siya at pumasok na siya rin. I close the door.
"I don't think I should ask you this but I have to ask it because I'm so curious." Sabi ko. Tumingin siya sa akin.
"About what me and V arguing?" Tanong niya. Tumango ako.
"I know na maldita ka." sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"And I know na sadista ka rin."
"So, ano ang itatanung mo?"
"First, but mo ako iniwan sa restaurant? And wala ka pang pasabi."
Yumuko naman siya. "I'm sorry"
"Sorry lang? Di mo sasabihin kung bakit mo ako iniwan roon?" Tanong ko. Di siya nagsalita. Bumuntong hininga ako.
"Okey, fine. Ito nalang. Sinong 'siya' ang tinutukoy mo? Sino si Greg?" Tanong ko at napatingin naman siya sa akin.
"Do I have to tell you?" Tanong niya sa akin pabalik.
"May kasalanan ka sa akin. I guess you have to tell me." Sabi ko. Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Di kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa akin---" napatigil ako sa pagsasalita ng magsalita na siya.
"Si Greg ang dating husband ni Mommy namin." Sagot niya. Tumango ako.
"And yung 'siya' ?" Tanong ko. Tumalikod siya sa akin.
"About that. I don't think you have to know about it. " Sabi niya. Tumango ako at tinurn on ang TV. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng tubig.
"Here. Palamig ka muna ng ulo." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng tubig. She face me at tinabig ang baso na may tubig.
"What the!" I look at her. "What's your problem?" Pikon kong tanong ko. Oo, nakakapikon rin itong babaeng ito.
Tinignan niya ako. "MY PROBLEM!? THAT'S MY PROBLEM!" bulyaw niya at tinuro ang nasa TV. Nakita ko ang isang businessman na ininterview ng media. May bandage ang may noo niya.
"HAISTTTT!!!!" Umupo siya sa sofa. She's frustrated. Pinatong ko ang baso sa center table at pinunasan ko ang kamay ko ng tissue na nabasa.
"May problema ka kay Mr. Ahn?" Tanong ko sa kanya. Nakatayo ako habang nakatingin sa kanya, na ngayon ang mukha niya hindi maipinta. Nag cross arm siya.
"He is the father of---" naputol ang sasabihin ko ng...
"OH PLEASE! WAG MO NG BANGGITIN ANG PANGALAN NG BABAENG IYON." Bulyaw niya sa akin. Napatitig lang ako sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Can you just...just please turn off the TV." Kalmadong sabi niya.
Tumango ako. "Alright" Then, I turn it off. Naghihilot siya sa sentido niya. Kinuha ko ang basong tubig na nakapatong sa center table at ininom ito.
Tinignan ko siya. "Alam mo. Yan ang problema mo eh." Sabi ko na may irita sa tono ko.
"What?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Yang attitude mo. Lalo na pagnagagalit ka." Sabi ko.
"And what's with my attitude?"
"Yang attitude mo na paggalit ka. Kahit sino inaaway mo. Kahit sino nilalabasan mo ng init ng ulo mo. And about doon sa nasabi ni Veatrice kanina. Anong ginawa mo but galit na galit ang kapatid mo?" Sabi ko. Tumahimik siya at nag iwas ng tingin sa akin.