Vedaclee's POV
Naglalakad ako patungo sa Cafeteria nang may bumunggo sa akin.
Pagtingin ko. Nakakairita, yung bitch lang pala. Di ko muna siya papatulan sa ngayon. Na e-stress ako kailangan ko ng pagkain.
Tinext ko si Noel para pumunta rito. Pumunta ako sa counter para magbayad at kumuha ng pagkain.
"Tara na kasi Dendi. Bilisan mo."
"Ano ba Shid"
"Bilisan mo kasi Dendi. Di ko maaabutan si sweetheart ko."
"Ano ka ba Shid. Excited?"
"Oo kasi alas kuwarto yung dismissal ngayon ni sweetheart eh."
"Wow! Talagang kabisado mo schedule niya?"
"Oo naman ako pa. Dali na kasi."
Yan ang naririnig ko. Napalingon ako doon sa dalawang babae na nasa di kalayuan tumatakbo.
"Sila may sweetheart. Ikaw gusto mo rin ba?" Napalingon ako nasa likod ko. Haist! Nag rolled eyes ako at kinuha ang pagkain ko at umupo na.
"You know what. Your so hot---"
"Wag na wag mong itutuloy kundi ikaw ang susunugin ko." pagbabanta kong sabi.
Ngumiti naman siya ng nakakaloko.
" Ito naman. Ang gusto ko lang naman sabihin ay ang hot mo pa sa araw." Banat niya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama. "Ako ba inaasar mo? Umalis ka nga lalaki ka." Gusto ko lang kumain.
"Ito naman. Ano nga ba pangalan mo?" Tanong niya sa akin sabay ngiti sa akin tsaka umupo pa talaga sa tapat ko.
"Aalis ka o papaalisin kita?"
"Ano ba yan walang naman akong choice eh. Pwede ba wag nalang akong umalis." Pagpacute niya.
"TALAGA BANG DI MO AKO TITIGILAN?" Bulyaw ko sa kanya. Tumayo naman siya.
"Heheh oo na, aalis na. Ang pikon mo. Pakain ha." Mabilis niyang hinawakan ang wrist ko at kumagat sa burger. "Hahah bye. See you again." Tsaka umalis siyang tumatawa.
"ENGOT YUN HA. KAINIS!" Nawalan na ako ng gana. Inilagay ko nalang ang burger sa supot.
"Anong mukhang yan ha?" Umupo si Noel sa tapat ko. Tumayo naman ako.
"Tara na nawalan na ako ng gana."