Vedaclee's POV
" Mr. Gibson Ahn " nagpalakpakan ang mga tao.
Pagkarinig ko lang sa pangalan niya ay kumulo na agad ang dugo ko. Tumayo siy tsaka naglakad patungo at umakyat sa mini stage.
I clench my fist. Habang tinitignan ko siya ay parang nagdilim ang paningin ko. Napatingin ako sa isang empty wine bottle na nakapatong rito sa mesa na malapit sa akin.
Kinuha ko ito at dumilim ang paningin ko ng makita siya. Hindi ko rin ma explain ang nararamdaman ko ngayon. The next thing I knew. Binato ko ito sa kanya.
Nagsigawan at nagkagulo ang mga tao palabas ng venue. Nasira rin ang mga ilaw. Nakita ko siyang nadaplisan sa may noo niya nung pag bato ko ng bote. May mga lalaki na lumapit sa kanya.
May nakita akong isa pang wine glass. Kinuha ko ito at binasag. Lalapit sana ako ng napatingin ako sa may entrance at nakita ko si V na gulat na makita ako.
Kasama niya si Lance pero siya lang ang nakakita sa akin. Bakit siya andito?
"Tsk!" I change my mind. Mabilis akong tumakbo patungo sa may veranda at doon dumaan ulit.
Dahil nagpapanic ang mga tao ay di na ako makikita ni V nito.
"I need to go home." Sabi ko sa sarili at mabilis na pumara ng taxi.
----
Kakarating ko lang sa mansion at tinapon ang basag na wine glass sa basurahan. Oo dala dala ko talaga yun patungo rito. Di ko nga namalayan eh.
Umakyat na ako sa hagdanan.
"Tsk! Kung wala lang roon si V. Tapos na sana eh." Sabi ko ng mahina at nakailang hakbang na ako ng makarinig ako ng may tumusok sa handle ng stairway. Kahoy lang kasi ito. Napatingin ako at nakatusok ang dagger.
"Wife, Veatrice" rinig kong tawag nina Lance at Jude. Lumingon ako sa kanila.
"I saw you and I knew it was you." Kalmadong sabi ni V pero alam ko galit siya . Umiwas ako ng tingin.
" Iniwan mo si Jude sa resto." Sabi niya. Oo pala. Napatingin ako kay Jude. " Sorry" sabi ko.
"Bhe, are you okey? Ba't kasi nawala ka bigla? I was worried at you" sabi ni Jude na may pag-alala sa akin. Nag-iwas ulit ako ng tingin.
"You left Jude in the resto and you came there making troubles. What are you thinking huh?!" I know papagalitan na naman ako at yes! Magagalit na naman si V sa akin nito, lagi nalang naman eh. Since nung nakauwi kami rito. Bumaba ako ng hagdan.
"V, ni welcome ko lang naman siya eh. Masama ba iyon?" Sarkastiskong sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni V.
"YOU CAUSE TROUBLE AND DAMAGE VEDA. PAANO KUNG NAKITA KA? O MAY NAKAKITA SAIYO?" Bulyaw niya sa akin.
" MY GOD VEDA! NEXT TIME PWEDE WAG SUGOD NG SUGOD. MAPAPAHAMAK KALANG NIYAN." she is frustrated.
"V. Matagal kong hinintay ang makita siya. Ito na ang starting point ng paghihiganti ko." Kalmadong sabi ko. Tinignan niya ako ulit.
"DI AKO TUTOL SA PAGHIHIGANTI MO PERO WHAT THE HELL VEDA YOU ALSO KILLED HIM!" Bulyaw niya sa akin ulit. Hindi nagsalita sina Lance at Jude. Base sa reaction nila ay di nila alam ang sitwasyon namin ni V ngayon. Kung ano ang tinutukoy namin.
Tinignan ko si V. Pinapakalma niya muna ang sarili niya. Nagsalita na ako.
"Bakit V? Nung nakita mo yung lalaking iyon ha. Si Greg, didn't come to your mind that you wanted to get revenge on him too because of what he did to our family. I know nung makita mo siya parang gusto mo ring pumatay. V, Andoon sila, the two people na surprisingly na magkasama pa. I guess we're the same thoughts ha?" Sabi ko. Nag smirk si V. habang umiiling.
"OO GUSTONG GUSTO KONG PUMATAY KANINA NUNG MAKITA KO SIYA PERO MAY UTAK AKO VEDA. DI AKO BASTA BASTANG SUSUGOD NG WALANG PLANO. DI AKO KATULAD MO NA PALAGING DINADAAN SA INIT NG ULO." Bulyaw niya sa akin.
I know sobrang galit sa akin si V dahil nag eskandalo na naman ako at nasasaktan rin si V dahil nakita niya ang lalaking iyon. May kanya kanya kaming mga hinanakit sa dalawang lalaki na iyon.
"Wife" hinawakan siya ni Lance sa braso. Pinakalma siya nito. Huminga ako ng malalim.
"Well, I'm sorry V. I'm not like you. Oo sugod ako ng sugod. Pero V, alam mo lung gaano ko kinamumuhian yung taong iyon. At alam mo na hindi ako matatahimik pag hindi ko maiparamdam sa kanya ang paghihiganti ko." Matigas na sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni V.
"SHIT! VEDA! OO ALAM KO IYANG NARARAMDAMAN MO PERO PWEDE BA KAHIT NGAYON LANG MATUTO KA NAMANG LUMUGAR SA UGALI MO." bulyaw niya sa akin.
"ALAM KO ANG GINAGAWA KO V!"
"ALAM MO? ALAM MO BA TALAGA? PARA KASING HINDI"
Yumuko ako habang kinakalma ang sarili. Ayaw ko na nag aaway kaming magkapatid. "Sorry ulit V" tinignan ko siya. "Pero again, di ako katulad mo na naghihintay lang. Then ano, pag andiyan na tsaka pa talaga kikilos. Hindi ako ganyan V, ang tagal kong naghintay at ito na nga, di ko na ito palalampasin pa." Sabi ko.
"VEDA!" Warned tone. "FOR ONCE, ONCE LANG. WAG KA NAMANG SOBRA. KANINA YUNG GINAWA MO--"
Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko. " I get it, I get it. Na lumugar ako sa ugali kong ito. Okey, I get it."
Hinawakan niya ang dalawang wrist ko at binaba ang kamay ko na nakataas at marahas niya ako tinulak. "Ang sa akin lang kanina. Yung ginawa mo is too much. Grabeng damage ang nangyari. Muntik ng magkaroon ng sunog at hindi mo ba naisip na ang daming tao kanina na andoon. Don't you think na may mga inosenteng tao na pwedeng mapahamak sa gulong ginawa mo kanina."
Pinulupot ni Lance ang braso niya sa beywang ni V. Nasa likod siya ni V at pinapakalma ulit ito. Nakatitig lang siya sa akin kaya nagkatitigan kami "KUNG GAGAWA KA NG HAKBANG PARA MAKAHIGANTI SA TAONG KINAMUMUHIAN MO. ISIPIN MO MUNA KUNG MAY IBANG TAO BANG PWEDENG MASAKTAN SA GAGAWIN MO. WAG KANG SELFISH VEDA. PAANO KUNG MAY MADAMAY HA. GUSTO MO BA KAGAYA MO O MAS BATA PA SAIYO NA MAWALAN NG MAGULANG. SANA NAISIP MO IYON BAGO MO GINAWA ANG GULO KANINA. ALAM NATING DALAWA KUNG GAANO KA SAKIT ANG MAWALAN NG MAGULANG . GUGUSTUHIN MO RIN BANG MARANASAN IYON NG MGA INOSENTENG BATA NA KAGAYA RIN NATIN DATI NA KINUHANAN RIN NG MAGULANG HA!" Bulyaw niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin kay V. Nakayukom lang ang kamao ko.
Lumapit si Jude sa akin at hinila na ako. Huminto siya ulit at tinignan sina V.
"She will be staying at my condo Veatrice. Palamig muna kayong dalawa. Captain." Sabi niya. Tumango naman si Lance sa kanya.
"Tara na." Sabi niya at hinila na ako palabas. Nagpahila na rin ako kasi ayaw ko rin na magsalita. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya.
Nakatayo lang ako. "Sasakay ka o bubuhatin pa kita pasakay." Sabi niya.
"Tsss" I roll my eyes at sumakay na. Sumakay na rin siya at nagmaneho na.