19🎭

29 1 0
                                    

Vedaclee's POV










Andito ako ngayon sa company. Sa second company namin dito ang F-INC. Nakaupo lang ako sa swivel chair ko rito sa office ko.

"Knock knock." Sabi ni Noel ng makapasok siya sa office ko.

"Ayos ka lang Clee?" Tanong niya sa akin.

"May iniisip lang ako." Sabi ko. Umupo siya sa tapat ko

"Clee" napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka galit kay Trixie?" Takang tanong niya. Kumunot ang noo ko.

"Bakit mo natanong?"

Ang may alam lang ng dahilan ay si V at Max. Si Noel, wala.

Nagkibitbalikat siya. "Curious lang. Kasi diba di ka naman nang aaway o nananakit ng taong pag walang kasalanan sa iyo." Sabi niya.

"I know na nag aalala ka sa akin."

"Super! Ikaw kasi kung ano ano nalang ang pinaggagawa mo. Laging galit saiyo si V."

Tumango naman ako. "I can't help it."  sabay snob.

"Sabihin mo nga sa akin. Yung totoo ha. May kasalanan ba si Trixie sa iyo?" Napatitig naman ako kay Noel. Ilang segundo lang ay umiwas na ako ng tingin.

"Ang totoo... hindi naman siya ang may kasalanan sa akin." Sabi ko. Nagulat naman siya.

"Eh sino? Bakit si Trixie---"

"Siya ang ginamit ko. Or let just say nga siya ang ginagawa kong paen."

Kumunot ang noo niya. " Paen?"

"Sa pamamagitan niya. May taong masasaktan." Ngumiti ako kay Noel. "Diba ang saya non." Sabi ko. Umiling si Noel.

Kumunot ang noo niya. "I don't understand." Sabi niya.

"You don't. Kasi di mo alam kung ano ang tinutukoy ko."

"Kung sabihin mo kaya sa akin Clee para alam ko. " sabi niya. Ngumiti naman ako.

"Don't worry. Eh kukuwento ko rin yan saiyo. Sa ngayon magtrabaho muna tayo." Sabi ko eksakto pumasok naman si Charles sa office.

"Excuse me Miss Vp and Miss N. Pinapatawag kayo sa conference room " sabi niya.

"Tara na." Sabi ko at tumayo na. Tumango naman siya at sumunod na sa akin palabas. Well, wala namna talaga akong plano na sabihin kay Noel. Why? Dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya. And for sure, bukod kay V, siya rin ang tututol sa paghihiganti ko.














-----











Jude's POV











Nasa bar counter ako dahil nagmi-mix ako ng drink ng mapatingin ako sa familiar na boses.

"Jude"

"Trixie?" Kumunot ang noo ko.

"Can I talk to you." Sabi niya.

"Benj ikaw muna rito."

"Sige po Boss."

Tinignan ko si Trixie. "Sa labas tayo." Sabi ko at naglakad na kami patungo sa labas. Nang makarating kami sa labas ay nagsalita na siya.

"Andito ako kasi nagbabakasakali ako na andito ngayon siya." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"Yung babaeng yun." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Okey, I get it. Si Vedaclee."

Tumango siya. "Yeah her."

"So? What about her?" Tanong ko.

"Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit totoo ba na andoon siya sa event kung saan na aksidente si Dad." Naalala ko naman yung isang gabi.

"Why her?" Takang tanong ko.

"Curious lang ako. Ang andoon sa event ay tanging kasyuso lang nina Mr. Greg Romero at kay Dad mga kapwa business personel rin. And may nakita ang isang bodyguard ni Mr. Greg Romero sa kanya." Naalala ko rin yung sabi niya na may mga humahabol sa kanya.

"Jude"

Tinignan ko. "I don't think so Trixie. The day nung event ng Dad mo ay we're having our date in Chen-licous Restaurant." Sabi ko. Umiling siya.

"No may nakakita talaga sa kanya and---"

I grab my phone in my pocket at pinaharap ito sa kanya. "Here, let's call the owner of the Chen-licious Restaurant. Familiar ka naman siguro kay Ciara Chen diba? Let's ask her." Sabi ko at dinial ang number ni Cycy. Nagring ito at mabilis naman niyang sinagot ang tawag ko. Niloudspeak ko ito.

"Hey Cy"

[Oh Kuya Jude]

"Cy, last four days at night ay asan nga ako non?"

[Why do you ask kuya? Nakakalimot kana ba? You we're here in Chen-licious Restaurant. You are having a dinner date with Ate Vedaclee at mga 6 to 7 pm na yun. Kuya nakalimot kaba? You introduce me to here nga diba? Tumatanda kana ata eh.] Sabi ni Cycy. I look at Trixie na napayuko siya.

"Hehehhe sorry Cy. Sige by salamat." Then I end the call.

"Now? What time naganap ang event ng Dad mo?" Tanong ko sa kanya.

"7pm" sagot niya.

Tumango ako. "So? You heard it right? 7pm nasa Chen-licous Restaurant ako with Vedaclee. So, how come na mapupunta siya sa event ng Dad mo and bakit naman siya pupunta roon diba? Sabi mo mga business personel at kasusyu ng Dad mo. Eh si Vedaclee ordinary girl lang iyon eh, wala student lang. Walang sense ang pinagsasabi mo Trixie." Sabi ko. Bumuntong hininga siya.

"I know may alitan kayong dalawa. Pero di naman lahat na nangyayari sa buhay mo ay si Vedaclee ang pagbibintangan mo eh. Di tama yun Trixie." Sabi ko. Tumango naman siya.

"Right! Your right. I'm Sorry." Hinging tawad niya. She smiled at me. "Don't worry. I know na late na para magtransfer but I reconsider na doon magtapos ng 4th year college sa America." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Good for you and stop bullying others." Sabi ko. Tumango naman siya.

"I gotta go." Nagpaalam na siya at sumakay na sa kotse niya. Nakatingin lang ako sa kanya na nagmamaneho paalis.

Huminga naman ako ng malalim at umiling iling.

"I guess I have to cover you huh. Tsk! " Sabj ko ng mahina.

"Haist! Vedaclee. I lied for you." Sambit ko at bumalik na sa loob.

My Saddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon