Vedaclee's POV
Mabilis akong naglakad. Arrggghh!!! Nakakainis na talaga iyong engot nga ewan na lalaki na iyon. Nakakabuwesit rin ha.
"Tabi nga" Pinagtutulak ang mga tao na humaharang sa daan ko. Pagkarating ko sa parking binuksan ko ang kotse.
"Shit" sarado, nakalock pala. Nakalimutan ko, kay V pala 'tong kotse. Sumandal nalang ako sa likod habang naka cross arm.
"Hahahahha! You know what Clee. Busangot pa at talagang mag wiwish akong di na yan mababalik sa dati yang mukha mo."
"Wag mo akong asarin Noel. Asar pa ako sa lalaking iyon." Inis na sabi ko.
"Yung lalaking gwapo na mukhang si Jang Geun Suk at kabuhok niya ha infairness."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino naman yang Jang jang suk suk mo?"
Tumawa siya. "Hhahahahha Jang...Geun... Suk. Hindi jang jang suk suk ka diyan. Hahahhahahha nasa Love Rain iyon ,ano ka ba Clee di ka kasi nanunuod."
Sinipa ko siya sa binti. Mahina lang naman. "Wala akong paki diyang sa lalaking mukhang babae na iyan."
Tumawa ulit siya. "Hahhaha porket yung buhok niya hanggang batok niya. Babae na agad. Ang gwapo kaya"
"Isang gwapo pa Manuella. Sisipain kita ulit." Nag aakto ako na sisipain siya. Dumistansya naman siya ng konti sa akin habang tumatawa.
"Sakali ba. Matitipuhan mo siya?" Nakangiting tanong nito. Ano bang naiisip nitong babaeng ito.
"Alam mo dahil ba sa Sex on the beach na ininom mo kaya ka ganyan magsalita."
"Di ah. Hahaha oy umiiwas " pang-aasar niya sa akin.
"Malilintikan ka talaga sa akin." Inis kong sabi sabay nakatingin sa kanya ng nakataas ang kilay.
"Hahhaha kaya ka pala nawala nalang kanina. Di ka nagsasabi na may---"
"Ano? ano? Sige sabihin mo naku! Noel na malilintikan ka talaga sa akin ng super duper na batok." Tinawanan lang ako ng gaga na ito. Nakakainis, yung tipong asar na asar kana pero itong babaeng ito tatawanan ka lang.
"Noel" napatigil siya sa kakatawa niya ng tawagin siya ni Max. Palapit na sila ni V sa amin.
"Tsk! Max patigilin mo 'tong kapatid mo. Nakakaasar." Asar na asar na talaga ako dito eh. Pero doon talaga sa lalaking mukhang babae ako naaasar.
"Noel pasok na." Sabi ni Max sabay pasok sa may driver seat. Pumasok naman siya agad.
Napatingin ako sa kapatid ko. "Lets talk later" seryosong sabi ni V.