33🎭

28 2 0
                                    

Third Person's POV









Nagulat ang lahat sa sinabi ni Trixie sa korte. Nagsalita ang Mom ni Trixie.

"Ano bang pinagsasabi mo Trixie?" galit na asta nito.

Pinatahimik ng Judge ang Mom ni Trixie.

"Mom, I know everything. Kaya please."

"Your talking nonsense!" Galit na sabi nito habang pinagsasabihan ito ng Abogado niya.

"You know everything Miss Trixie? May gusto ka bang aminin sa korte?" Tanong ng Judge sa kanya.

Natahimik ang lahat at naghihintay sa sasabihin ni Trixie. Nasa kanya lahat nakatingin. Huminga siya ng malalim tsaka tumango.

"Opo meron po Judge."

"Go on, sit down Attorney Abayan." Sabi ng Judge. Umupo naman ito at huminga ng malalim si Trixie ulit. Kinagat niya ang lower lip niya tsaka siya nagsalita.

"Kakauwi ko ng bahay non ng makita at marinig ko sina Mom at yung isang lalaki, Nag uusap sila sa may garden." nakatingin lang ang Mom niya sa kanya na nagulat ito.

"Narinig ko ang usapan nila. Si Mom ang nagpapatay kay Dad at ang pumatay ay yung lalaking kausap niya."

"Ano raw? Mom niya ang nagpapatay?" Takang tanong ni Anderson. Tumango naman si Arellano na katabi niya.

"Plano pa nila na ipapatay rin si Vedaclee." nagulat naman si Vedaclee sa sinabi ni Trixie. " Ang narinig ko ay papatayin lang nila si Dad pero hindi ko na alam kung bakit na involve si Vedaclee doon. Siguro para may pagbintangan lang sila dahil nga may interaksyon sila ni Dad before yung aksidente." Nagkatinginan sina Jude at Vedaclee.

"Yun ba ang mga lalaking sumusunod saiyo?" Mahinang tanong ni Jude.

"Siguro, I don't know." sagot ni Vedaclee.

"Excuse me your honor. I have this video as an evidence." Sabay tayo ng Attorney ni Vedaclee. Tumango naman ang judge.

Pina-play naman ang video. Nasa video ay si Megan.

"This is Megan Santiago. US Agent and now base here in the Philippines. "

Pinakita niya ang tatlong lalaki na nakagapos at nasa loob ng interrogation room. Tatlong lalaki na mga tauhan ni Greg.

"Inatasan lang kami na sundan at patayin si Vedaclee Fuentes."

"Sino ang nag utos sa inyu?"

"Si Boss"

"Sinong boss?"

"Si Mr. Greg Romero."

"Meron pa ba?"

"Oo ang mastermind. Si Ma'am Lena Ahn."

"Siya rin ang nag utos sa amin na patayin ang asawa niya."

"Paano niyo pinatay ang biktima?"

"Nilagyan namin ng poison ang aircon ng kotse niya. Kaya wala kayong nakitang ibendinsya dahil pagkatapos ay nilinis namin ito."

"Nasa Jewerly Store kami na pag aari ni Ma'am Lena. Andoon si Boss at nakita silang magkasama at magkayakap. Ang narinig namin ay nag aaway sila.

"Anong narinig niyo at pinag aawayan nila?"

"Tungkol raw sa kasalanan ni Ma'am Lena at pagsisinungaling nito."

Nanlaki naman ang mata ng Mom ni Trixie at napalunok ito. Hindi na siya mapakali.

"Hindi totoo yan!" Sabi ng Mom ni Trixie.

"Silence!" Sabi ng Judge. Tumingin ito kay  Trixie.

"May sasabihin ka pa ba Miss Ahn?"

Tumango si Trixie. "Ang totoo niyan. Hindi ako tunay na anak ni Gibson Ahn. Ang tunay na anak ay si Vedaclee"

Nagulat na naman ang lahat.

"Ang sinasabi mo hindi ka kaano ano ng biktima at ang naging suspect ay ang tunay na anak ng biktima? Tama ba Miss Trixie Ahn?" Tanong ng Judge.

"Opo you honor. Ang nalaman ko ay pineke ni Mom ko ang DNA ni Vedaclee nung bata pa siya at kay Dad kaya pinalabas ni Dad si Vedaclee. Patay na naman ang Mom ni Vedaclee nung maliit pa lang siya. Nagpakasal sila ni Mom ko  at pinaniwala na anak ako ni Dad pero ang totoo ay ang..."

Napatingin ang Mom ni Trixie sa kanya.

"TRIXIE!!!" galit na galit ito.

"Mom, alam ko na hindi ako kadugo ni Dad. Alam ko na iba ang Ama ko at pinuntahan po pa nga siya eh."

"Ano?!"

"Mom, bakit niyo ginawa yun? BAKIT NIYO PINAPATAY SI DAD?!"

"ENOUGH!!!"

"MOM AMININ NIYO NA KASI NA KAYA NIYO PINAPATAY SI DAD DAHIL IKAW MAY RELASYON KA KAY GREG ROMERO. TSAKA PARA MAKUHA MO RIN ANG YAMAN NI DAD"

"TRIXIE! ANO BA YANG PINAGSASABI MO?"

"MOM RINIG NA RINIG KO ANG LAHAT. KAYA PLEASE SUMUKO KANA."

Nagkagulo ng konti sa loob ng korte pero natigil naman ito ng mga security. Nag uusap ngayon ang Judge at ang iba pang kasama niya.

May sabihin ang Judge at ang tanging narinig lang nila ay ang huling sabi nito.

Hinawakan ni Jude ang kamay ni Vedaclee. "Miss Vedaclee Fuentes is innocent no reasonable doubt."

"Yes" masayang sabi ni Jude at nag apir sila ng mga Lions. Yumakap naman si Vedaclee sa Lawyer niya. Nakipag shake hands rin naman si Jude sa Attorney.

" Mrs. Lena, meron rin ritong mga file cased against you being a fraud and scammer. Sa kaso naman sa pagpatay sa asawa mo. Lahat ng statement at  ebidensiya na ipinakita ay tugma ang lahat na nagsasabi na ikaw ay may kasalanan. I plead Mrs. Lena Ahn guilty and imprisoment without chargeable. Hulihin rin si Mr. Greg Romero. Case dismissed." Announce ng Judge sabay hampas ng ikatatlo.

"WALANG HIYA KA!!!! BINIGAY KO SAIYO LAHAT!!!" bulya ng Mom ni Trixe sa kanya habang pinupusasan siya.

"Sorry Mom but this is the right thing to do." Umiiyak na sabi ni Trixie habang nakatingin sa ina. Dinala na ng mga police ang Mom niya at inilabas sa korte. Lumapit si Vedaclee sa kanya.

"Trixie" tawag ni Vedaclee. Lumingon si Trixie sa kanya.

"Di madaling mawalan ng magulang. Alam ko yang nararamdaman mo ngayon pero matatag ka, kaya mo ang sarili mo."

Lumapit si Jude kay Trixie at pinunasan ang luha niya. Tumingin siya kay Vedaclee.

"Di ka naman siguro magseselos diba? Parang kapatid mo na rin ito." Sabi ni Jude at inakbayan si Trixie. Nag rolled eyes si Vedaclee at ngumiti.

"Alam kong mahal na mahal mo ako kaya di na ako magseselos pa. Tabi nga diyan." Hinawakan ni Vedaclee ang kamay ni Trixie.

"Tsaka, magsimula ulit tayo. Bilang magkakapatid." Nakangiting sabi ni Vedaclee sa kanya. Ngumiti naman ang mga Lions.

"Gustong-gusto ko yan." Nakangiting sagot ni Trixie. Inakbayan naman ni Jude si Vedaclee habang nakaakbay rin siya sa Trixie.

"Oh happy na happy na kayo ha. Para nga kayong magkapatid talaga. May hawig kayo eh." Sabi ni Jude habang pinalipat-lipat ang tingin kina Vedaclee at Trixie.

"Sabihin mo nalang Marco na pareho silang maganda kaya hawig." sabi ni Jasper.

"Pero mas maganda ang girlfriend ko syempre." Sabi ni Jude at hinalikan niya ang gilid ng ulo ni Vedaclee. Ngumiti naman si Trixie sa kanila.

My Saddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon