London, United Kingdom
Silang upat ay abala sa pag aaral nila. May kanya kanya silang study table dito sa loob ng kanilang malaking library.
"Times up girls." Sabi ni Max Roxas-papa nina Noel at Max at Uncle nina Veatrice at Vedaclee. Huminto naman sila sa pagsusulat nila.
"Now, Veatrice and Vedaclee. I have this report. Review it and then, revise it." At binigay niya kina Vedaclee and Veatrice ang tag iisang folder.
"Later, I have a meeting on the board. I want the two of you to be there and listen." tumungin siya sa dalawang anak niya. " Max and Noel, come also. I have something to do for the two of you."
"Yes Dad" sabay sa nina Max at Noel habang sina Vedaclee at Veatrice ay tumango lang at nag umpisa ng mag review sa report.
Nang matapos na sila sa pinagawa ng Uncle nila ay nagbihis na sila para sumama sa Uncle nila sa company para sa board meeting.
Si Veatrice ay nakaface mask, nakatutok lang sa pakikinig sa Uncle niya.
Habang sina Max at Noel ay may ibang pinagawa ang papa nila sa kanila.
Si Vedaclee nakaface mask rin, tsaka bored na bored lang at talagang walang pakialam at hindi nga nakikinig.
Napansin siya ni Veatrice kaya lihim siyang siniko nito.
"I'm bored" she mouthed at tinignan naman siya ni Veatrice na nakataas ang kilay.
"Veda, you have to listen and to learn. Ipapahawak na ni Uncle sa atin ang mga companies ni Mom." Sabi ni Veatrice ng mahina sa kapatid.
"Kaya na iyan ni Uncle" bored na sabi ni Vedaclee.
Nasa pinakahuling upuan sila at mahina lang ang mga boses nila kaya di sila napapansin ng mga tao na nasa meeting.
"Veda, may sariling companies rin si Uncle. Tama na iyong ilang years na siya nag subtitute sa companies ni Mom. Pero di na niya ito kaya ano ka ba. Kaya nga tayo na ang hahawak eh tiyaka sa atin naman nakapangalan. Isa pa ang daming naiwan ni Mom na unfinished business and we have to get it done."
"At tayo ang tatapos ,ganun?" Bored na tanong ni Vedaclee. Tumango si Veatrice bilang sagot.
"V naman eh." Tinaasan siya ng kilay ni Veatrice.
"Basta, ayaw kong maging President sa lahat ng companies ni Mom."
"Veda, sa lahat ng company ni Mom. Tingin mo kaya ko mag isa yun. Hati tayu." sabay cross arm ni Veatrice.
"Ako nalang ang Vice president mo, V." Sabi nito habang umiiling.
"Psh, nagtatamad ka na naman."