"Change of plan?!" Halos maibagsak ni Shine ang hawak niyang phone dahil sa gulat at pagkadismaya. "Paano naman ako, aber? Ang hirap humanap ng matinong lalaki tapos sasabihin mo ayaw mo na sa kanila kahit hindi mo pa nakikilala?"
"Sorry na. May bigla lang kasi akong naisip. Tutal susulitin ko ang bakasyon ko sa loob ng isang taon, bakit hindi na lang ako bumalik sa probinsyang pinanggalingan ko," ani ni Kyna. Umayos siya ng upo at sumipsip ng milk tea gamit ang straw.
Nagkita sila ngayon sa pinakamalapit na milk tea shop para sana ipakilala ni Shine sa kaniya ang bagong lalaki na halos kasintanda lang nila pero bigla siyang nag-back out. Napilitan tuloy itong magbigay ng kapani-paniwalang rason sa lalaki kung bakit hindi matutuloy ang pagkikita nila. At ang naisip nitong rason ay sumama ang pakiramdam nito. Kahit na halatang hindi 'yon gaanong kumbinsido, wala pa ring magagawa dahil hindi pa rin sisipot sina Shine at Kyna kung sakali.
"Para saan? Bakit ka babalik doon?"
"Naalala ko yung childhood friend ko, si ano—sino nga ba 'yon?" naniningkit nitong saad habang nagkakamot ng kilay, "basta 'yon."
"Hindi mo na ba tanda yung childhood friend mo?"
"Hindi gaano. Sa dami ko ba naman kasing kakilala noong kabataan. Pero may ilan lang akong natatandaan doon sa isa kong childhood friend," aniya at awkward na ngumiti.
"E paano kung lumipat na siya ng bahay? Ang tagal na no'n, ah. Baka hindi ka na niya kilala. At bakit mo siya hahanapin?"
Makahulugang tumingin si Kyna kay Shine at kumurap-kurap. Nang maintindihan ito ni Shine ay nanlaki ang mga mata nito at napatakip ng bibig.
"Oh my, don't tell me siya na ang gusto mo?!"
"Why not?" Nagkibit-balikat si Kyna. "Malay mo, siya lang pala ang taong para sa akin."
"Ano ba talagang nangyari? Bakit bigla mo siyang naalala? Seryoso ka ba talaga?" nanlalaking matang tanong ni Shine na hindi pa rin nakakabawi sa gulat sa sinabi ni Kyna.
"Wala naman. Naisip ko lang kagabi."
"Paano mo siya hahanapin?"
Ipinatong ni Kyna ang braso niya sa lamesa at inilagay ang kanang kamay sa ilalim ng baba habang nakatungo. Kinuha niya ang phone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at tiningnan ang wallpaper niya na isang quote, "keep your eyes on the stars, and your feet on the ground."
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, pinatay niya ang kaniyang phone at muling humarap sa kausap.
"Post on my social media accounts. Sabihin mo hinahanap ko yung childhood friend ko na nakatira sa probinsya, way back 1993."
"Seryoso ka ba? Paano mo malalamang legit 'yon? Alam mo na, ang dami mong fans."
"Sabihin mo magsabi ng tatlong sikreto na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Pati yung tawagan namin sa isa't isa. 'Yun lang din ang ilan sa mga alam ko tungkol sa kaniya, eh."
Nag-make face si Shine at uminom ng Wintermelon milk tea na binili niya.
"I-pu-push mo talaga 'yan?" Nakangiting tumango si Kyna at binuksan ulit ang phone para mag-browse sa Facebook. Wala siyang gaanong naalala tungkol sa mga naging kaibigan niya noong kabataan pero desidido na siya sa balak gawin.
Way back 2003, noong sampung taong gulang pa lamang si Kyna. Napakaraming taon na ang lumipas at sobrang dami na ng mga nangyari. Sa mga taong iyon, marami siyang pagsubok na hinarap. Ilang beses siyang nadapa, sumubok, at mas naging matibay. At ang ilan sa mga pagsubok na dumating sa buhay niya ay isang napakahalagang pangyayaring hindi niya malilimutan.

BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomanceKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...