"Langyang caller. Istorbo."
Nagtakip ng unan sa tainga si Kyna dahil sa walang humpay na tunog ng ringtone. Malayo sa kaniya ang phone at tinatamad siyang bumangon sa kama kaya wala siyang nagawa kundi magtakip ng tainga.
Mabigat ang ulo at masama ang pakiramdam niya ngayon. Ang itinuturo niyang dahilan ay ang pagpapaulan nila ni Hiroaki. Maliwanag na sa labas ng bintana pero wala pa sa isip niyang bumangon.
"Finally!" usal niya at pumikit na ulit. Pero hindi pa man nakaka-ilang segundo, tumunog ang phone niya dahil sa message notification. Nagsunud-sunod iyon hanggang sa maubusan siya ng pasensya.
"Anak ng teteng!" Ginamit niya ang buong pwersa para makabangon. Pagewang-gewang siya sa paglalakad dahil sa matinding hilo pero nagawa niyang makarating sa sofa kung saan nakapatong ang phone. Kinuha niya iyon at binuksan saka humiga.
Nagising ang diwa niya nang makitang tinadtad siya ng mensahe ni Shine. Marami na rin itong missed calls sa call log.
"Bakit ba nambubulabog ang babaitang 'yon?" tanong niya sa sarili at binuksan ang chatbox nila. Halos mabitawan niya ang phone niya nang mabasa ang ilang birthday greetings nito, long messages, at pangungulit kung bakit hindi siya nag-re-reply. "Shet, birthday ko na pala!"
ang maalala niyang kaarawan niya ngayon, ang unang pumasok sa isip niya ay kung ano ang kaniyang isusuot. Kaso gustuhin man niyang tumayo, hindi niya magawa dahil sa pagkahilo. Wrong timing kasi gusto niyang humilata maghapon niya.
Para makabawi kay Shine, sinagot niya ang mensahe nito.
Kyna
tenkyu shining shimmering splendiiiid! goshhh how do i live w/o u :")) p.s. got teary eyed this morning becs of u
Wala pang ilang minuto ay nag-reply na ito.
Shine
Wag ka pala aalis ng bahay nang di ako kasama. Pupunta ako dyan
Kyna
Fun fact: ayoko talaga lumabas 2day becs of headache
Shine
May sakit ka?? Hala maya maya pako makakarating dyan. Tinatapos ko pa gawain ko para di matambakan
Kyna
Take ur time. Dito lang ako
Pagkatapos mag-reply, inilapag na niya ang phone niya sa sahig at pumikit ulit. Hindi siya makakatulog buong araw kasi nga kaarawan niya pero pinili niya na lang mag-extend.
★
"Akala ko kailangan mo pa ng prince charming para magising." Bungad ng isang lalaki kay Kyna pagkamulat niya ng mata. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at nagitla nang makitang si Hiroaki ang lalaking iyon. Buti na lang nakapaglagay siya ng kolorete sa mga kamay at braso kanina noong hindi siya makatulog. Natakpan tuloy ang mga pasa niya at hindi nahalata.
"Hiro," malamya ngunit gulat niyang pagtawag. Balot na balot siya sa comforter kahit na pinagpapawisan na siya. Masakit din ang ulo at katawan niya kaya nahihirapan siyang kumilos.
Nang matigil na ang hilo niya kahit papaano, umupo siya sa kama at sumandal. Awtomatiko niyang kinapa kung may muta sa mata at laway sa labi. Pinasadahan niya rin ng suklay ang buhok niya gamit lamang ang mga daliri. "Pa'no ka nakapasok dito?"
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomanceKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...