Chapter 26

42 6 36
                                    

Marahas na naghilamos ng mukha si Kyna ng mukha dahil sa matinding frustration. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya dahil sa halu-halong emosyon dulot ng memoryang nag-re-replay sa utak niya. Ang scenario kung saan umiyak siya habang nakasubsob sa balikat ni Hiroaki at ang pag-alo nito sa kaniya.

"Napaka-gaga mo talaga, Kyna! Tanga ka na, marupok pa!" sigaw niya at ginamit na pamunas ng mata at buong mukha ang sariling kamay. Pagkaangat ng tingin, tumambad sa kaniya ang sariling itsura na halos mabura na ang kolorete. Matiim niyang tiningnan ang repklekyon sa salamin. Mukha siyang wasted ngayon. Halata ang maputla niyang labi, namamagang mga mata dulot ng pag-iyak, at namumulang ilong dahil sa pagsinga at pagsinghot. Napansin niya rin ang pagkalat ng pasa niya na abot hanggang braso niya. Sa ngayon ay paminsan-minsan lang ito pero hindi niya mapredikta kung kailan.

Kanina noong nahimasmasan siya, halos isang oras pa lang ang nakalipas, walang sali-salita siyang tumayo at tumkabo paalis sa rooftop. Ni hindi niya nagawang lingunin si Hiroaki dahil sa sobrang kahihiyan. Dumiretso lang siya sa kwarto niya at nagkulong sa banyo, hanggang ngayon.

"Ano na pang ang mukhang ihaharap mo kung naipakita mo na ang kahinaan mo?! At kiss?! Gaano ka ba karupok at kalungkot sa buhay at binalak mo siyang halikan?!" aniya pa at mahinang pinukpok ang ulo nang paulit-ulit.

Para siyang baliw ngayon habang kinakausap ang sarili gamit ang repleksyon. Buti na lang talaga nasa loob siya ng kwarto kaya malaya niyang nagagawa ang gusto niyang gawin.

Natigil siya sa pagpukpok ng ulo nang may biglang sumagi sa isip niya, nung hinayaan siyang umiyak ni Hiroaki sa balikat nito. At nung hindi na siya sinusungitan nito 'di tulad ng unang mga buwan na magkasama sila. "But why is he like that? Nagkakagusto na ba siya sa'kin? Can I still make it in due time?"

Sinuklay niya ang sariling buhok gamit ang mga daliri at naramdaman ang pagkabog ng dibdib. Kahit hindi sigurado ang dahilan kung bakit, dali-daling pumunta sa kama para kuhanin ang phone. Nag-dial siya ng number, number ng tito niyang si Nathan, at itinapat sa tainga ang phone.

"T-Tito," nanginginig niyang pagtawag at kinagat ang sariling kuko.

"Kyna, napatawag ka," bungad na pagbati ni Nathan mula sa kabilang linya.

"Hello, tito. Busy po ba kayo?"

"Oo sana. Maraming pasyente ngayon. But how's your condition? Hindi ka na nakakapag-monthly checkup sa clinic namin." Bumakas sa boses nito ang pag-aalala habang nagsasalita.

Suminghap si Kyna. Ang tanong na iyon ang pinakakinakatakutan niya sa lahat dahil hindi niya pa rin matanggap hanggang ngayon ang karamdaman niya. Pero dahil wala na siyang pagpipilian, pinili niya lang umamin. "Actuall, tito, may mga pasa na po sa ako mga kamay at braso. Hindi ko rin po alam kung kailan aatake ang sakit ko kaya biglaan ang pananakit ng katawan ko. Pero madalas, ayos pa naman po ako."

"If that's the case..." Saglit na tumigil si Nathan sa pagsasalita at kinamot ang sentido gamit ang hintuturo. Nang  makapag-isip na, inilapit niya ang bibig sa phone at nagsalita. "I suggest, umuwi ka na lang muna rito at nang ma-check up kita nang maayos. Sige na, may pasyente na rito."

"Sige ho, Tito Nathan, salamat," aniya at ibinaba na ang tawag. Tiningnan niya ang lahat ng gamit niyang nakalagay kung saan-saan. Sumakit ang ulo niya nang maalalang kotse lang ang dala niya at sa sobrang dami ng gamit, hindi magkakasya roon ang mga ito. Depende na lang siguro kung isisiksik at tatanggalin ang mga kahon.

"Fuck," pagmumura niya nang ma-encounter ang unang problema— ang pag-aalsa balutan. Umupo siya sa sofa at nagpalipas ng ilang sandali.

Sa huli, pinuno niya na lang ang dalawang malaking maleta niya ng mga maninipis na damit at pinakamahahalagang gamit niya tulad ng charger, makeup kit, pocketbooks, at accessories. Pahirapan niya 'yong ibinaba at idiniretso sa kotse niya dahil hindi option ang panghingi ng tulong kay Hiroaki. Sa pagkakataon kasing ito, balak niyang umalis nang hindi nagpapaalam.

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon