"Ikaw ba talaga ang childhood friend ko?"
Nagitla ito sa tanong niya.
"Sumagot ka, Hiroaki!" Nanginig ang kalamnan niya sa pagsigaw. Naghalu-halo ang negatibong emosyon niya ngayon at hindi na niya makontrol. Habang naghihintay ng sagot, napagtagpi-tagpi niya ang mga aalala. Ang hindi akmang kwento nina Orlando at Hiroaki tungkol sa childhood, sa pamilya nila, at sa mga alaala niya. Hindi niya ito napansin noon pero ngayon ay nag-ma-make sense na para sa kaniya. Ang kinakatakot niya na lang ngayon ay ang kumpirmasyon ng hinala niya.
Lumingon si Hiroaki kay Orlando para sana humingi ng tulong pero hindi niya nagawa. Nakatayo pa rin kasi ito sa kabilang bahagi at halatang walang kaalam-alam sa nangyayari.
Suminghap siya at nagkamot ng ulo. Pakiramdam niya ay na-checkmate siya kaya ang tanging nagawa niya na lang ay magsabi ng totoo kahit na kabado. "T-To tell you the truth, simpleng crew lang ako sa Forsio Hotel at kaibigan ni Orly na siyang kababata mo. Hindi ako espesyal at mas lalong wala akong childhood friend na katulad mo."
Halos matumba si Kyna sa narinig. Kahit medyo inasahan niya na ito ay hindi niya pa rin naiwasang magulat at masaktan. Parang piniga ang puso niya at nanikip ang dibdib. Lahat ng inipon niyang lakas ng loob kanina ay naglaho na parang bula dahil sa biglaang komprontasyon.
"Akala ko ba trio tayo?! Ba't tinago niyo sa'kin ang bagay na 'yon?!"
"Ikaw rin naman may tinatago rito 'di ba? Imposibleng pupunta ka rito nang hindi mo pinagplanuhan nang matagal. Ano ba talagang plano mo, Kyna? Gusto mong maging mala-fairytale ang love story mo kaya hinanap mo ang childhood friend mo?"
"No. I want to break your heart into pieces. I want to get revenge."
"Anong sabi mo?"
Mabigat na huminga si Kyna at tinapatan ang nakakapasong tingin ni Hiroaki kahit na may parte sa kaniyang nasasaktan at nahihirapan. Lalo pa siyang nahirapan nang biglang kumirot ang kamay niya hanggang sa braso. Namanhid ang ibang parte ng katawan niya at nakaramdam ng pagkahilo.
Nagtiim siya ng bagang at tumindig sa kabila ng pag-atake ng sakit niya. Sa bawat segundong lumilipas ay palala nang palala ang nararamdaman niya pero pinilit niyang ikalma ang sarili. Tumango-tango niya kay Hiroaki at hirap na nagsalita. "But it doesn't matter now. Our story is a tragedy to begin with. Everything... was a lie so don't expect a happy ending."
"A-Ano? P-Paano naman akong naging totoo sa'yo?"
"Totoo?!" sarkastiko siyang tumawa. "'Di ka ba nagsinungaling tungkol sa identity mo? Nagpanggap ka bilang childhood friend ko, Hiroaki."
"Biglaan lang 'yon kasi—"
"Don't. Speak," mariin niyang sambit at suminghap. "Don't even try to speak, Hiroaki!"
Nanikip ang dibdib nito nang marinig ang pagbanggit niya ng buong pangalan nito.
Gayunpaman, isinantabi nito ang emosyon para makipag-usap nang masinsinan. Matapang itong humakbang ng tatlo palapit sa kaniya. Tinitigan siya nito sa mga mata sa pag-asang mabasa nito ang nasa isip niya. "Sa mga ginawa natin, alin doon ang totoo? Hindi naman childhood friend ang hanap mo 'di ba? Pag-ibig. O baka hindi mo talaga ako mahal at napipilitan ka lang kasi akala mo ako ang kababata mo?"
Napuno ang isip ni Kyna at wala nang naintindihan sa paligid. Ang namalayan niya na lang ay ang paglabo ng mga mata niya dahil sa mga luhang umaagos at sa matinding pagkahilo. Nadagdagan ang kirot sa dibdib niya kaya mariin niya itong hinawakan gamit ang kumikirot ding kamay.
Wala pang ilang segundo ay may dugong lumabas sa ilong niya kaya labis na nataranta si Hiroaki. Mas lumapit pa ito at nang saktong limang pulgada na lang ang pagitan nila, nawalan siya nang malay.
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomantikKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...