Chapter 23

35 4 47
                                    

"Woah," magkasabay na reaksyon nina Kyna at Shine pagpasok. Sina Hiroaki at Orlando naman ay neutral lang ang reaksyon.

Madilim ang venue at puno ng glow in the dark paints at design ang mga pader. Maraming lusutan na pwedeng daanan at pagtaguan kaya hindi mapigilan ni Kyna ang magkahalong pananabik at takot. Takot dahil tingin pa lang ay nakakapagod na ang gagawin nilang laro. Ang isang bagay lang na ikinatutuwa niya ang malaya siyang magtanggal ng gwantes dahil hindi mahahalata ang pasa niya sa kamay at braso.

"Ano? Game na?" tanong ni Orlando at sinenyasan si Shine na sumunod. Naglakad sila palayo hanggang sa nawala sa paningin ng dalawang team.

"Bakit dito yung napili niyong venue para sa birthday ko?" usisa ni Kyna gamit ang pinakamababang boses.

"Dapat nga sa amusement park tayo kasi weak si Orly. Takot sa rides," sagot ni Hiroaki at sumenyas na gumalaw na rin sila sa pwesto.

Nagtago sila sa isa sa mga pader. Umupo si Kyna at sumandal. Wala pang tatlong minuto ang nakalipas buhat nang magsimula ang laro pero ayaw na niyang gumalaw sa pwesto. Di na niya mahawakan nang maayos ang baril dahil sa takot na baka biglang umatake ang sakit niya.

"Uy, ba't ka umupo d'yan? Tara!" ani ni Hiroaki at nagsilbing lookout sa magkabilang direksyon.

Suminghap si Kyna at pilit na tumayo. "Fine, pero sa isang kondisyon."

"Ano na naman 'yon?"

"Pahiram ako ng kamay mo," aniya at nginusuan ang kamay nito.

"Ha? E di mawawalan ako ng kamay?"

Napairap si Kyna at mahinang hinampas si Hiroaki sa braso gamit ang phaser."Baliw, hindi kasi literal! Holding hands tayo, ganern. Katamad kumilos kapag mag-isa lang."

"Paano tayo makakakilos kung magkahawak tayo ng kamay? Tsaka bawal sa rules 'yon.

Nagsimula na silang maglakad nang halos magkasabay. Nauuna si Hiroaki at nasa likod sa kaliwa si Kyna.

"Pagbigyan mo na 'ko, birthday ko ngayon."

"Ayok-"

Pagkaliko nilang dalawa, biglang tumili si Kyna kahit walang nakakagulat.

"Grabe parang totoo ang tili mo," sarkastikong sambit nito at bumuga ng hangin. "'Wag ka ngang maingay, ma-a-attract mo sina-"

Nagulat sila nang biglang lumitaw si Shine sa harap nila. Inasinta niya si Kyna pero mabilis itong nakailag at nakapagtago sa kanan. Mabilis na bumawi si Hiroaki at natamaan siya kaya siya na-deactive. Ang hindi nito alam, nasa likod si Orlando kaya nakabawi rin ito para kay Shine.

Naghiwalay na ulit ang magkabilang grupo hanggang sa maging activated na ulit.

Nagpaalam si Kyna na hawakan ang kamay ni Hiroaki kahit saglit lang. Noong una ay hindi ito pumayag para makapag-focus sa laro pero dahil sa kakulitan niya, pumayag na ito.

"Ang gaspang ng kamay mo," komento nito habang medyo nakayuko at maingat na humahakbang. Kasunod nito si Kyna na ngayon ay ngiting-ngiti.

"Pero hawak mo pa rin ang kamay ko."

Biglang nakaramdam ng hiya si Hiroaki dahil sa sinabi niya. Bibitaw na sana ito pero lalo niyang hinigpitan ang hawak.

"Joke lang, joke lang," pagbawi niya at nagpigil ng tawa. Pagkaliko sa dulo ng room, nadatnan ulit nila si Shine may hawak na baril at nakatutok sa harap, sa kanila.

"Holding hands pa kayo, ah," pang-aasar nito at bumaril. Awtomatiko silang dumapa kaya nagmintis ulit ang tira. Mabilis itong nagtago pagkatapos.

Nag-init ang pisngi ni Kyna at tinablan na rin ng hiya. Pakiramdam niya ay nahuli siya sa ilegal na gawain kaya siya na ang kusang bumitaw at umayos ng tayo. Hahakbang na sana siya pero natakid siya sa paldang suot.

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon