Chapter 5

63 5 50
                                    

"Love you, baby. Happy anniversary!" malambing na sabi ng isang babaeng naka-swimsuit at lumingkis sa braso ng lalaking naka-topless at beach shorts. They kissed each other afterwards.

Halos masuka si Kyna sa narinig at nakita. Nagtakip siya ng mata at tumalikod sa kanilang dalawa na mismong gilid ng pool. Inis niyang sinipa ang maliit na bato na nasa harap at pumeywang. "Go, get a room, guys! Ang lalandi. Tss."

Kanina kanina lang bago mag 6 AM, nagising na siya agad. Dumiretso siya sa office ni Orlando dahil iyon ang bilin sa kaniya nito kahapon pero sarado pa ito ngayon. Kaya sa halip, pumunta na lang muna siya sa bandang tabi ng 6-feet pool para magpahangin. Pero lalo lang siyang nainis nang makitang marami nang tao at may pailan-ilang magkasintahang sobrang sweet sa isa't isa. Kung pwede nga lang ay nasabuyan niya na sila ng kumukulong tubig para matigil at mapaghiwalay.

Tumingala si Kyna sa bluish sky. Kakasikat pa lang ng araw kaya hindi pa ramdam ang init nito sa balat. Mas ramdam pa niya ang lamig ng hangin dahil sa suot niyang damit at mga punong nakapalibot sa pool.

Nakasuot na siya ngayon ng puting sneakers, puting maong shorts, at blue tank top. Naka-half ponytail siya at ang nagsisilbing panali ng buhok niya ay ang pulang ribbon. Gusto na niya sanang lumangoy pero wala siyang dalang swimsuit kaya naggagala muna siya sa loob ng resort.

"Hello, sunshine!" hyper niyang sigaw na para bang tao ang kausap niya. Nag-unat siya at pumikit para damhin ang hagin. Iwinaksi niya sa isip ang mag-jowang nasaksihan niya kanina para hindi masira ang mood niya ngayong umaga.

Makalipas ang ilang sandali, nagmulat siya ng mga mata at bumungad sa kaniya ang dalawang babaeng magka-holding hands habang naglalakad malapit sa cottage. Naka-swimwear ang mga ito at parehong may nakasabit na puting twalya sa balikat.

Nanlaki ang mga mata niya sa naalala.

"Si Shine pala!" bulalas niya at dali-daling inilabas ang phone mula sa shorts. Dali-dali niyang pinindot ang number nito at tinawagan.

"Finally! Akala ko hindi mo na ako tatawagan. Pumunta ka lang d'yan, nagsarili ka na," bungad na sambit ni Shine pagkasagot na pagkasagot pa lang ng tawag. Sa tono pa lang ng pananalita nito, mukhang nakapameywang na ito habang nakakunot ang noo.

"Nawala sa isip ko kagabi. Pinapunta kasi agad ako ni Orly kay Hiroaki kaya hindi na ako nakatawag."

"Ayan tayo, eh. Nakakilala ka lang ng bagong lalaki, kinalimutan mo na ako."

"Uy, grabe. 'Di naman. Tinawagan nga kita ngayon, oh," depensa ni Kyna at sinilip ang sariling kukong may fake nails.

"At bakit aber? 'Wag mo sabihing hindi kayo match ni Orlando kaya uuwi ka na? Akala ko mag-lo-long vacay ka d'yan since sabi mo ang dami mong ipon?" mataas na boses na tanong nito.

"Hindi pala si Orlando yung childhood friend ko. Si Aki 'yun."

"Aki?"

"Oo. Hiroaki Timtiman. Search mo na lang sa facebook para malaman mo ang itsura."

"So, bagong lalaki na naman? Paano si Orlando?"

"Wala. Mabait siya pero focus ako ngayon kay Hiroaki." Pagkasabi niya no'n ay kinuyom niya ang kaliwang kamaong walang hawak na phone at suminghap. Pumikit siya at nagtiim ng bagang. "I-I think we're matched."

"Weh? Ba't parang 'di ka masayang magbalita?" gulat na tanong ni Shine mula sa kabilang linya.

"Napagod lang ako sa byahe at pag-iikot dito sa resort. Pero sa tingin ko talaga kami na ang para sa isa't isa." Halos masuka na si Kyna sa mismong sinasabi niya. Alam niyang kabaligtaran ito sa aktwal na nangyayari dahil sinusungitan siya ni Hiroaki pero ayaw niya itong sabihin kay Shine. Baka kasi pauwiin siya nito.

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon