"Hiro, pahingi ako ng tubig. Ang sakit ng ulo ko," pakiusap ni Kyna habang nakaupo sa bar counter at hinihilot ang sentido. Pagkagising pa lang kaninang umaga, dito agad siya dumiretso para bisitahin si Hiroaki na kasalukuyang naka-duty.
"Hiro," pagtawag niya ulit nang hindi siya pansinin nito. Dalawang upuan ang layo nila sa isa't isa at nag-aabang ito ngayon ng ibibigay ng drinks ng bartender para mai-serve na sa customer. "Uy, pansinin mo 'ko. VIP customer ako rito."
"Hiro!" mas malakas na pagtawag ni Kyna. Sa wakas ay nakarinig na ito at napalingon. Sumimangot siya at ipinagpatuloy ang paghilot ng sentido bago mahinang nagsalita. "Sabi ko pahingi ako ng tubig. Ang sakit ng ulo ko. Tsaka may pagkain ka ba d'yan na pampaalis ng hangover? Pahingi."
"Kay Romeo ka na lang mag-order. Ayan, oh, menu." Binuhat ni Hiroaki ang tray na naglalaman ng drinks at pulutan at saka ngumuso sa menu na nasa harap ni Kyna.
"Sinong Romeo?"
"'Yang bartender. O kaya kay Mich. Tawagin mo siya paglapit niya rito. Waitress 'yun," pagturo nito at iniwan na siya para mag-serve sa ibang customer.
Bumuga ng hangin si Kyna at nagpangalumbaba. Naka-de kwatro siya habang nakatitig kay Hiroaki. Maikli ang pasensya niya pero pinili niya pa rin itong hintayin kaysa makipag-usap sa ibang staff.
Pagbalik nito malapit sa pwesto niya, hinilot niya ulit ang sentido niya at tumamlay ang aura. "Hiro, pa-assist ako. 'Di mo ba kitang may hangover pa ako dahil sa paglalasing natin kagabi?"
Medyo pabagsak na ipinatong ni Hiroaki ang walang lamang tray sa counter. Nagkrus ito ng braso at tumingin sa kaniya. "Papansin ka? Sina Orly at Shine nga na lagpas tatlong baso ang nainom hindi nalasing, ikaw pa kayang 'di nakaubos ng isang shotglass kasi sabi mo mapait ang alak."
"Malay mo naglasing ako sa room ko," depensa ni Kyna.
"Kung lasing ka, e di sana 'di ka nakapagsuot ng damit na ganiyan kaayos," kunot-noong sambit ni Hiroaki at pinasadahan siya ng tingin kahit nakaupo siya.
Nakasuot si Kyna ng flare pants, white tube top na pinatungan ng jacket, at peep toe shoes. May accessories din siyang suot tulad ng festoon necklace, link bracelet, at teardrop earrings.
"Wow himala, napansin mo na yung suot ko. Maganda ba?"
"Yung damit? Oo."
Ngumisi si Kyna at inilagay ang kanang kamay sa sariling tainga. "Ano? Hindi ko narinig."
"Wala, ang sabi ko 'wag kang mag-inarte d'yan. Hindi ka naman naglasing kaya pa'no ka magkaka-hangover?" prankang tanong ni Hiroaki at tinawag si Romeo para kumuha ng iba pang order.
Natameme si Kyna at nawala ang ngiti sa isang iglap. Gustuhin man niyang depensahan ang sarili, hindi niya magawa dahil wala siyang masabi.
"Tsaka 'wag kang pa-VIP, ni hindi mo nga binabayaran lahat ng binibili mo," dagdag pa ni Hiroaki habang naghihintay.
Nag-make face siya at nagkrus ng braso. "Buti pa si Lando mabait. Ikaw, hindi."
"E di siya yung kausapin mo."
"Kung siya nga lang ang naka-destino sa bar, siya ang kakausapin ko. Kaso ikaw, eh. Ang weird nga kasi ito yung pinakapaborito kong tambayan dito sa resort, tapos sakto nandito la."
"Sus," pailing-iling na sambit ni Hiroaki at bumulong sa sarili. "Gusto mo lang magpapansin sa'kin."
"May sinasabi ka?"
"Wala, sabi ko 'wag mo na ako kausapin. Na-de-delay order nila dahil sa'yo."
Pagkapatong ni Romeo ng ilang drinks at plato ng pulutan sa tray, binuhat na ito ni Hiroaki.
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomanceKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...