"Don't you miss me?" tanong ni Kyna at pagkatapos ay humiwalay na sa yakap.
Nag-aalangang tumingin si Hiroaki sa kaniya. "Na-miss naman pero..."
"Hindi ka manlang nag-abala na hanapin ako?" Suminghap si Hiroaki at tila naubusan ng sasabihin sa kaniya. Lumingon ito kay Orlando at tumingin na parang nanghihingi ng tulong. Napansin niya ito kaya mabilis niyang iniba ang usapan. "Bakit pala si Orlando ang nag-chat sa'kin at hindi ikaw mismo?"
"Ako ang nagpa-chat sa kaniya. Bawal kasing gumamit ng phone tuwing work hours," medyo awkward nitong tugon at nagkamot ng ulo.
"Maiwan ko na kayong dalawa. May gagawin pa ako." Bumaling si Orlando kay Hiroaki. "Aki, ikaw na muna ang bahala kay Ms. Kyna."
"Yes, boss," sagot nito at nag-salute.
"Kyna na lang ang itawag mo sa akin. Thanks sa paghatid dito sa future boyfriend ko!" ngiting-ngiting sambit ni Kyna. Bigla siyang umangkla sa braso ni Hiroaki na ikinagulat nito.
"Anong sabi mo?"
"Wala. Sabi ko ang cute mo."
"Ahh," awkward na tugon ni Hiroaki at pasimpleng tinanggal ang kamay niya sa sariling braso. "Ang clingy mo yata."
"Gan'to talaga ako kapag sobra kong na-miss yung tao."
"Gano'n, ba?" patango-tango nitong sambit. "Sige magtatrabaho muna ako."
"Uy, teka. Hindi mo manlang ba aalukin ng pagkain ang bisita mo? Ni hindi na nga ako nakakain kanina sa tapsilogan."
"Sinong bisita?"
"Ako, malamang. Sabi ni Orlando ikaw na raw ang bahala sa akin," aniya at ngumuso para magpa-cute.
Suminghap si Hiroaki at tiningnan ang suot na wristwatch. "Gumala ka muna sa buong resort kung gusto mo. May trabaho pa ako." Hindi na nito hinintay ang sagot niya bago tumalikod. Naglakad na ito pabalik sa counter at kinausap ang kapwa waiter.
"Anak ng—!" dismayadong sambit ni Kyna at kinuyom ang kamao. Sinundan niya ng tingin si Hiroaki na ngayon ay nagpatuloy na sa pag-se-serve ng pagkain.
Pumikit siya at humugot ng malalim na paghinga. "Nice! Happy first day," sarkastikong sambit niya at nagkrus ng braso. Pinadyak-padyak niya ang isang paa habang nag-iisip ng gagawin. Inilabas niya ang phone sa bulsa at minarkahan ang date ngayon.
May 01
Itinago na niya ulit ang phone pagkatapos at ibinalik ang tingin kay Hiroaki. Kasalukuyan itong may hawak ng isang tray na naglalaman ng tatlong calice grande at dalawang platong may pagkain. "Pasalamat ka special ka," mahinang sambit niya at bumuo ng desisyon.
Saglit niyang hinawi ang maiksing buhok na tumatakip sa mukha at nag-shake ng mga kamay. Bumuga siya ng hangin at inayos ang suot na beret habang nakapako pa rin ang tingin kay Hiroaki. Taas-noo siyang naglakad palapit dito ay matamis na ngumiti.
"Hi, Aki. Di mo talaga ako aalukin? Mukhang masarap yang hawak mo." Bahagya siyang nag-sideview para silipin ang mukha nito.
"Ano bang kailangan mo?" mahinang tanong nito, halos pakunot na ang noo.
"Gutom na ako."
Hindi siya pinansin ni Hiroaki hanggang sa matapos itong mag-serve ng pagkain sa customer. Kinuha nito ang menu na nakapatong sa tray at inabot sa kaniya. "Mamili ka na lang d'yan."
Lalong tumamis ang ngiti ni Kyna. "Madali ka naman palang kausap. Thanks!"
Ngumiti pabalik si Hiroaki, dahilan para lalong sumingkit ang mga mata nito. "Yung pambayad mo kahit mamaya na lang basta 'wag mong kalimutan."
![](https://img.wattpad.com/cover/162156268-288-k371630.jpg)
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomansaKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...