"Hiro, pwede ka bang pumunta sa address na i-se-send ko?" pakiusap ni Kyna gamit ang paawang boses. Kausap niya sa phone ngayon si Hiroaki na kakasagot lang ng tawag.
"'Wag mo akong istorbohin. Busy ako," tugon nito at maririnig mula sa background ang pagtama ng utensil sa babasaging gamit. Parang nagtitimpla ng kape o kaya kumakain gamit ang babasaging plato.
"Please? Emergency."
Saglit na natahimik sa kabilang linya. Maya-maya'y narinig ni Kyna ang paghigop ni Hiroaki. Doon lumakas ang hinala niyang umiinom lang ito ng kape. Sisigaw na sana siya nang magsalita ito ulit.
"Anong emergency?" magkahalong kuryosidad at pag-aalalang tanong nito.
"Help me, please. I'm scared. Two men kidnapped me and—"
"Weh?" hindi kumbinsidong tanong nito dahil sa tono ng pananalita niya. Naglaho na parang bula ang pag-aalala nito at napalitan ng pagkayamot. "Ano na namang pakulo 'yan, Kyna?"
"H-Ha?"
"Nanti-trip ka lang, 'no? 'Di ka totoong na-kidnap?" puno ng kumpyansang tanong nito kahit sa loob-loob ay hindi pa rin maalis ang posibilidad na nagsasabi siya ng totoo.
"H-How'd you know?"
Halos maibagsak ni Hiroaki ang hawak na tasa dahil sa tanong niya. Nag-dead look ito sa kaharap na pinto ng sariling silid at nagsalita. "Sabi na nga ba Kulang ka sa emosyon. 'Di ka nag-pa-panic at para ka lang nagpapa-cute. Ano ka damsel in distress kuno? Busy ako."
"Wait lang, Hiro—!"
"Ano?!" Sinubukan nitong habaan ang pasensya pero hindi nito magawa dahil sa kakulitan niya. Umagang-umaga pa kasi at gusto nitong sulitin ang araw na walang trabaho sa pamamagitan ng isang mapayapang pag-inom ng kape bilang almusal.
"Anong gusto mong gawin ko para paniwalaan mo? Ngumawa rito?"
"Ha?!"
"Tsk, wala! -Wag na nga. Bye!" Ibinaba ni Kyna ang tawag at nakabusangot na tiningnan ang caller ID na Hero at picture nilang dalawa. Gigil niyang hinawakan ang phone nagsalita na para bang si Hiroaki mismo ang kausap. "Takte pupunta lang dito para magpaka-knight in shining armor. Napakaarte mo talaga at ang KJ."
Inilibot ni Kyna ang paningin sa laundry shop kung nasaan siya. Medyo kararating niya lang para kuhanin ang jacket ni Hiroaki na pinalaba niya. Balak niya itong isauli ngayong araw nang nalabhan na.
"Tapos na po ba 'to?" tanong niya sa staff at ipinakita ang resibo. Tumango ito at kinuha sa shelf and jacket na nakabalot sa isang malaking plastik.
"Thanks," sambit niya at kinuha ang jacket. Lumabas na siya at pumunta sa sariling kotse na nakaparada sa labas ng shop. Walking distance lang talaga ang layo ng Forsio Resort sa laundry shop pero pinili niyang magdala ng sasakyan. Bukod kasi sa maaraw ay mabilis na siyang nakakaramdam ng pagod.
Pagkagaling sa laundry shop, dumiretso si Kyna sa Room 123, ang room ni Hiroaki. Kinatok niya ang pinto at wala pang ilang segundo ay bumukas na ito. Bumungad sa kaniya ang naka-sando at shorts na si Hiroaki."Ano na namang kailangan mo?" halos magkasalubong na kilay na bungad nito.
"Patambay sa room mo," ani ni Kyna at pumasok agad sa loob bago pa man ito makapag-react. Bumungad sa kaniya ang medyo makalat na silid, lalo na sa palibot ng kama. Hindi rin nakalagpas sa paningin niya ang tasa ng kape at ilan pang utensils na nakatambak sa lababo. Umiling-iling siya at humarap kay Hiroaki. "Miss mo na magkaroon ng alalay 'no?"
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomantizmKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...