Chapter 27

49 5 40
                                    

More or less than ten years ago...

"Kuya, ang ingay mo. Natutulog yung fairies dito!" sita ng batang babaeng naka-pigtails at barbie dress. Nakatambay siya sa taas ng tree house habang nagmumuni-muni. Natigil lang ito nang makarinig siya ng iyak mula sa baba ng tree house.

"Kuya, tahimik!" pag-uulit niya at bumaba sa hagdan dahil hindi ito tumigil sa pag-iyak. Napuno siya ng kuryosidad nang makita ang isang lalaking umiiyak habang nakaupo at nakasandal sa puno. Nilapitan niya ito at tinapik-tapik sa balikat. "Kuya, shh ka lang."

Hindi siya pinansin ng batang lalaki at humikbi pa rin.

"Ba't ka ba umiiyak?" inosenteng tanong niya at sinubukang alisin ang brasong nakatakip sa mukha nito pero bigo siya. Lalo siyang sumimangot at nagkamot ng ulo. "Hay, bahala ka nga d'yan. Aakyat na lang ulit ako."

Suminghap ang bata at humawak sa hagdan. Nilingon niya ang lalaki sa huling sandali at laking gulat niya nang tinanggal na nito ang braso sa mukha. Bumitaw siya at lumapit ulit dito para makita nang mas malapitan. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang kaedaran niya ang lalaki base sa itsura nito.

Kung kanina ay concern na siya, ngayon ay mas lalo pa siyang nag-alala. "Ba't ka umiiyak? Sino nagpaiyak sa'yo? Na-bully ka ba?"

Imbis na sumagot, pinunasan nito ang luhang kumalat sa sariling pisngi.

"Akyat na lang tayo dito sa tree house. Masaya 'yun!" paanyaya niya at hinawakan ang kanang kamay nito para marahang higitin.

"I don't want!" sagot ng batang lalaki sa kauna-unahang pagkakataon at luhaang tumingin sa kaniya.

Napapitlag siya. "Nge, kaya pala 'di ka sumasagot englishero ka pala. Marunong ka ba ng tagalog? 'Di ako masyadong nag-e-english, eh."

"Y-Yes, I do," pasinghot-singhot nitong sagot.

Sumandal ang babae at inabangan itong tumigil sa pag-iyak para makausap niya nang maayos. Nakatitig lang siya habang nakakrus ang dalawang braso at nakatapak ang kaliwang paa sa hagdan sa bandang likod.

"Okey. Akyat na tayo, kuya!"

"Ayaw," pagmamatigas pa rin nito at umiling-iling.

"Sige na, try mo lang. Aalalayan kita. Pramis, masaya rito sa taas. Makakalimutan mo din yung problema mo kapag nakita mo yung view sa taas." Ngumiti siya at nagtaas-baba ng kilay para magbigay ng assurance na totoo ang sinasabi niya.

"P-Parent's day sa school ngayon," pagsisimula nito ng kwento kaya napatigil siya sa pag-akyat. Suminghap ito at ginulo ang sariling buhok. "W-Walang um-attend. Naiinggit ako sa mga classmate ko kasi may parents sila."

"Asan ba ang mga magulang mo?"

"Wal—"

"Ay, hala!" bigla niyang sigaw nang maalalang baka nakauwi na ang mama niya mula sa grocery. Dali-dali siyang umakyat sa tree house para kuhanin ang suklay, hair accessories set, at bimpo niya.

Pagkababa ay nagpaalam na siya sa lalaki. "Una na 'ko. Baka hinahanap na ako ni mama."

Nagsalita ito bago siya makalagpas. "What's your name?"

"Kyna," unang pumasok sa isip niyang sagot pero hindi niya itinuloy. Naalala niya kasi ang bilin ng mga magulang niyang 'wag makipag-usap sa hindi niya kakilala— kahit nagawa na niya.

Sa halip, itinatak niya na lang sa isipan ang, "huwag magbibigay ng personal na impormasyon sa estranghero.". Pero dahil mukhang mabait ang kausao niya, pinagbigyan niya ito kahit papaano. "Ate na lang ang itawag mo sa'kin. Kuya na lang din ang itatawag ko sa'yo."

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon