"Aki, sabi na nga ba't nandito ka."
"Orly..." sambit ni Hiroaki. Nang matanto kung sino ang kaharap niya, mabilis niya itong nilapitan at kinuwelyuhan. "Kasalanan mo ang lahat ng 'to! Kung 'di dahil sa'yo, sana tahimik pa ang buhay ko!"
"S-Sorry, Aki. Hindi ko intensyong saktan kayo pareho," puno ng sinseridad nitong sagot at bakas sa mga ang pagsisisi.
Marahas niya itong binitawan at sumigaw na parang baliw. Masama pa rin ang loob niya dahil kung kailan natanto niya ang pagtingin niya kay Kyna, huli na ang lahat. Hindi na ito nagpakita ng interes sa kaniya.
"Aki..." mahinang pagtawag ni Orlando habang pinagmamasdan siyang nagwawala sa rooftop. Paikot-ikot siyang naglakad habang panay buntong-hininga at sabunot ng buhok. Nakokonsensya ito pero mas lumamang ang kuryosidad. Humanap ito ng tyempo para makapagtanong. "Galit ka ba... sa'kin?"
Bumuga ng hangin si Hiroaki at marahas na binatawan ang ulo bago humarap kay Orlando. Ilang beses siyang humakbang palapit at yamot na nagsalita. "Ba't hindi mo sinabi ang tungkol doon?! Sabi mo lang pakisamahan ko siya kaya akala ko ayaw mo lang sa kaniya kaya pinasa mo siya sa'kin. Hindi mo sinabing may kutob kang balak niyang maghiganti sa'yo!'
"Ano bang kinaiinis mo kung wala kang pakialam sa kaniya? Ilang beses kitang tinanong pero pinagdidiinan mong ayos lang na kulitin ka niya. Kasi ang sabi mo, mas kailangan mo ng dagdag pera para sa pamilya mo."
Frustrated na sumigaw si Hiroaki nang matantong dehado siya sa usapang ito. Tama ang sinabi ni Orlando kaya wala siyang laban. Gayunpaman, hangga't maaari ay ayaw niya itong aminin sa kaibigan.
"Pero wala nga ba talaga? Kasi 'di yon ang nakikita ko ngayon," pansin nito at nagkibit-balikat. "Sabagay, ano pa nga bang aasahan natin sa relasyong puno ng lihim at kasinungalingan? Malamang panandaliang kasiyahan lang. Kasi sa oras na malaman ang totoo, magbabago ang lahat lalo na ang pagtingin sa isa't isa at samahan."
"Wala kaming relasyon," giit niya at nagkuyom ng kamao. Nanghina siya noong tumulo ulit ang luha sa mga mata niya.
"Bat ka nasasaktan ngayon?"
"Di ako nasasaktan." Umiling siya at marahas na pinunasan ang luha sa pisngi niya gamit ang laylayan ng suot na damit.
"Umasa ka no? Na totoo ang ipinapakita niya sayo?"
"Siya ang unang babaeng naging vocal sa feelings at ma-effort. Kaya kahit alam kong ikaw ang taong hinahanap niya, napaniwala akong ako ang nagustuhan niya."
"T-Tama nga yung sinabi n-ni mama noon, k-kilalanin muna ang babae. M-Malay mo nga naman mahulog ka m-muna bago ka niya iwanan," dagdag niya pa at tuluyang nawalan ng lakas. Napaluhod siya sa sahig at nagtuluy-tuloy ang pag-agos ng luha. "Nakakagago lang kasi ang nanahamik ako rito. Ang tino-tino kong magtrabaho tapos dumating siya at ginulo ako. Nagpakita siya ng motibo, nagbigay ng assurance, at umaktong girlfriend ko. At kung kailan naman nagkakagusto na ako sa kaniya, saka niya sasabihing hindi totoo ang lahat at iniwan ako sa ere. Ano 'to, lokohan?!"
Nahihiya man, hindi na napigilan ni Hiroaki ang paghagulgol. Para siyang batang nadapa sa unang pagkakataon at walang malapitan. Naaawang lumapit si Orlando at yumakap gamit ang isang braso. Mabagal niya itong tinapik-tapik sa likod at lumunok. Maski ito ay nasasaktan para sa kaniya pero wala itong ibang magagawa bukod sa manatili sa tabi niya. "Sorry, Aki."
★
Nanatili sa rooftop sina Hiroaki at Orlando hanggang sa mahimasmasan si Hiroaki. Inabot sila ng hapon sa pagtambay pero hindi nila pinansin.
"Sinusubukan kong intindihin siya," panimula ni Hiroaki pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Kung nahihirapan ako, siguradong mas nahihirapan siya ngayon. Masyadong malakas ang galit niya kaya niya ginawa ang bagay na 'to. Orly, ano bang ginawa mo sa kaniya no'ng mga bata pa kayo?"

BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
Roman d'amourKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...