"Bakit ka naka-turtleneck? Summer na kaya at 'di rin gaanong malamig dito sa mall," pansin ni Hiroaki at pinasadahan ng tingin ang damit ni Kyna. Ganoon pa rin ang suot nilang dalawa maliban sa may idinagdag si Kyna. Dumaan muna sila sa resthouse, sa room niya, pagkatapos kumain ng merienda sa food bazaar.
Plain white turtleneck shirt, gray sweatpants, at wedge sandals na ang suot ni Kyna. May suot na rin siyang charm necklace at puting headband para sa nakalugay na buhok. Hobo bag na rin ang dala niya para paglagyan ng phone,wallet na naglalaman ng extra money at iba't ibang cards, at kung anu-ano pang gamit tulad ng makeup at powerbank.
"Style 'to, bakit ba? Tiis-ganda, ika nga nila," sagot ni Kyna at isa-isang tiningnan ang cards niya. May dala siyang identification card, black card, loan card, savings card, at perks card.
"Tiis lang, walang ganda," pagngisi ni Hiroaki.
"Napaka mo talaga!"
"Napaka- ano?"
"Napaka-cute!" irap niya at binilisan ang paglalakad papunta sa department store.
"Uy, sandali lang!" paghabol ni Hiroaki pero tumigil din bago makapasok sa loob ng department store. "Saan ka pupunta?"
"Sa makeup section. Naiwan ko kasi yung makeup kit ko sa bahay kaya bibili ako ng bago."
"Dito na lang ako sa labas maghihintay." Itinuro ni Hiroaki ang ilang bakanteng upuang may lamesa nasa isang corner ng mall.
"Bahala ka basta baka matagalan ako."
"Ge. Maglalaro na lang muna ako e-games," sambit ni Hiroaki at itinaas ang hawak na phone.
Tumango si Kyna bago sila naghiwalay ng landas. Siya, papasok sa department store, at ang Hiroaki ay pumunta sa mga upuan para doon tumambay.
Thirty minutes. Iyon ang itinagal ni Kyna sa pag-iikot sa department store. Wala siyang signature look kaya nahirapan siyang pumili sa iba't ibang brand at shade ng makeup. Ang tanging nadalian lang siya sa paghahanap at pagbili ay ang perfume dahil iisa lang ang ginagamit niya. Napadpad pa siya sa clothes at bag section kaya lalong tumagal ang pamimili niya.
Pagkalabas niya sa department store, una niyang hinanap si Hiroaki. Napangiti siya nang makitang nakaupo pa rin ito sa upuan habang naghihintay.
"Tara na!" masigla niyang sambit habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod.
Itinigil ni Hiroaki ang paglalaro at nag-angat ng tingin. "Anong binili mo?" tanong nito at bahagyang kumunot ang noo nang makitang wala itong kahit anong bitbit bukod sa sariling bag.
"Wala pa."
"Ang tagal-tagal mo ro'n tapos wala kang nabili?!" asik ni Hiroaki kaya napatakip ng tainga si Kyna sa gulat at pagkarindi.
"Nagbago isip ko. Mamaya na lang pala ako bibili ng makeup kapag tapos na lahat."
"Sana kanina pa nagbago ang isip mo para nakauwi na agad tayo." Tumayo na si Hiroaki at inayos ang upuan papasok sa ilalim ng mesa.
"Anong uuwi? Ni hindi pa nga ako nakakabili ng mga damit."
Napapalo sa noo si Hiroaki sa sinabi ni Kyna. "Halos isang oras na tapos wala ka pang nabibili?" inis na sabi nito at halatang pinipigilang sumigaw dahil sa dami ng taong nasa paligid nila.
"Kung sumama ka kaya para malaman mo kung gaano kahirap pumili ng bibilhin."
"Naghintay na nga ako ng pagkatagal dito sa labas."
"Pero at least may napili na akong makeup," proud na sambit ni Kyna at pinakita ang likod ng palad na may iba't ibang shade ng lipstick at kolerete.
"Sana binili mo na agad. Takte, nagsasayang lang yata ako ng oras sa pagsama sa'yo. Dapat pala mag-isa ka na lang pumunta rito para nakapagpahinga na ako."

BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
Roman d'amourKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...