"Umaambon na!" pansin ni Kyna at inilahad ang dalawang palad para saluhin ang mga butil ng tubig na pumapatak mula sa langit. Huminto siya sa paglalakad at nag-angat ng tingin sa padilim na kalangitan.
Pupunta siya ngayon sa supermarket sa bayan para mag-grocery. Nasa pababa na bako-bakong daan pa lang siya at wala pa sa kalagitnaan ng daan patungo sa sakayan ng jeep pero hindi siya nabuburyo maski natatakot. Ito ay dahil kasama niyang naglalakad si Hiroaki. Nasa kanan niya ito, samantalang makikita sa bandang kaliwa sa baba ang view ng magkahalong mga bahay, puno, daan, at mga ilaw.
"Sabi sa'yo magdala ka ng payong. Paano tayo makakapunta sa bayan ngayon n'yan?" tanong ni Hiroaki at tinakpan ng dalawang kamay ang sariling bumbunan.
"Ba't di ikaw yung nagdala, ikaw pala yung nakaisip," tugon niya pabalik at in-enjoy lang ang pagpatak ng ulan. Hindi siya namomroblema kahit dala niya ang pera at cards niya dahil waterproof and dala niyang shoulder bag. Nakasuot siya ngayon ng light pink layered skirt na lagpas tuhod, white crop top with puff sleeves, at puting rubber shoes. Naka-half ponytail siya at brown ribbon ang ginamit na panali ng buhok.
"Katamad."
"Ano, tuloy pa ba tayo?"
"'Wag na. Ang layo pa ng sakayan ng jeep," sambit ni Hiroaki at sinuklay ang nabasang buhok gamit ang mga daliri.
"Pero ang layo na rin ng inilakad natin," puno ng panghihinayang na sambit ni Kyna. Tinalikuran niya ito at tiningnan ang magandang view sa baba ng mabatong daan kung nasaan sila.
"May naisip ako."
"Ano?" Lilingon sana siya sa kausap nang bigla siyang makaramdam ng pagpulupot ng braso sa beywang niya mula sa likuran. Nanigas siya sa kinatatayuan at awtomatikong napatigil sa paghinga. Hindi man niya nakita kung sino ito, sigurado siyang si Hiroaki iyon dahil sa pamilyar nitong amoy.
"Sayaw na lang tayo sa gitna nv ulan tulad ng mga nasa romance novels," bulong nito malapit sa tainga niya at matamis na ngumiti kahit na hindi niya kita.
Nagtindigan ang mga balahibo ni Kyna at nablangko ang isip. Tila nagkaroon ng kiti-kiti sa tiyan niya at hindi siya mapakali. Hindi siya komportable sa posisyon nila pero hindi niya rin magawang alisin ang mga kamay ni Hiroaki na nakapulupot pa rin sa beywang niya.
Pagkalipas ng ilang segundong walang tugon, ito na mismo ang humiwalay. Hinawakan nito ang kamay niya pagkatapos at iniharap dito. Doon niya napansing ang nakalobo nitong bibig habang nagpipigil sa pagtawa.
"Sabi na nga ba labas sa ilong mo ang pagsasabi ng ganiyan." Hinampas ni Kyna ang braso ni Hiroaki at pinanliitan ito ng mata.
"Ang cringey kasi," puno ng pangingilabot nitong sambit at hindi na napigilan ang paghalakhak.
"Bahala ka, ako na lang ang sasayaw!"
Medyo lumayo siya sa pwesto nila at freestyle na sumayaw. Umikot siya ng isang beses at tumingala para damhin ang tubig-ulit at hanging humahampas sa balat siya. Nag-slow dance siya mag-isa kahit na nakapikit at mag-isa. Basa na ang buhok at katawan, nabura na rin ang makeup pero hindi maiwasan ni Hiroaki na mapatitig sa kaniya.
Nakatayo ito sa isang tabi at kulang na lang ay kuhanan siya nito ng litrato para may kopya sila. Hindi rin nito namalayan ang pagkurba ng ngiti habang pinapanood siyang payapang nagsasayaw sa gitna ng ulan. Bukod pa rito, hindi nito napansin ang unti-unting paglalalim ng attachment nito sa kaniya habang patagal nang patagal silang magkasama.
"Sabi sa'yo mas maayos kapag hindi ka naka-make up," pahayag ni Hiroaki at humakbang ng dalawa palapit. Napatigil sa pagsasayaw si Kyna at nagtatakang napatingin.
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomansaKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...