Chapter 12

51 5 49
                                    

"Good morning, 2/3 of Potassium hydroxide!" masiglang bati ni Kyna pagpasok ng office ni Orlando. May dala siyang tatlong tasa ng kape na nakapatong sa maliit na tray.

"Two-third of ano?" tanong ni Orlando at sinenyasan siyang ilapag ang hawak na tray sa mesa. Nagpasalamat siya pagkatapos.

Lagpas alas-otso na ng umaga at dumiretso si Kyna sa CEO Office dahil alam niyang nandoon din si Hiroaki. Magaan din naman ang loob niya kay Orlando dahil sa pagiging approachable nito at pagkakaroon ng sense of humor kaya hindi siya nahirapang makisalamuha. Napapadalas tuloy ang pagtambay niya roon lalo na kung walang ginagawa.

"Potassium hydroxide," pag-uulit ni Kyna at nagtaas-baba ng kilay. Pagkalapag niya ng tray, umayos siya ng tayo at ibinalandra ang suot niyang damit. Naka-cargo pants siya, white off shoulder shirt, at puting rubber shoes. May suot siyang choker, charm bracelet, at tassel earrings bilang accessories.

"Anong Potassium hydroxide?" tanong ulit nito nang hindi napapansin ang suot niya. Maski si Hiroaki na nagdadaldal kanina ay biglang tumahimik at nanatiling nakaiwas ng tingin.

"Group name natin. Kyna, Orlando, Hiroaki yung name natin kaya KOH. And KOH stands for  Potassium hydroxide," paliwanag niya at personal na inabot ang tasa ng kape kay Orlando.

"Thanks," pagtanggap nito at inangat ang tasa.

"Welcome!"

"Nice name, though. Ang witty," kwelang sambit nito at mahinang tumawa.

"Buti ka pa na-appreciate yung pinag-isipan ko magdamag. Samantalang yung isa d'yan," pasaring ni Kyna at kinuha ang isa pang tasa ng kape para iabot kay Hiroaki nang hindi tumitingin sa mga mata nito.

"Pwede naman yung KOH na Potassium hydroxide. Pero pwede ring Pota 'pag pinaikli," sarkastik na bulong ni Hiroaki na walang nakarinig kaya wala ring nakapag-react.

Ilang araw na ang nakalipas buhat noong pinalayo ni Hiroaki sa Kyna pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang awkwardness sa pagitan nila. Gayunpaman, pumupunta pa rin si Kyna sa lugar kung saan madalas ang binata para magligaw-tingin o kaya magpapansin.

"'Di ako nainom ng kape," tugon nito at mahinang inurong palayo ang tasa.

"A-Ah, gano'n ba?" nahihiyang sambit ni Kyna at dahan-dahang maglakad paatras. Umupo siya sa isa sa mga bench at sinimulan nang inumin ang sariling kape.

"Lakas ng trip mo, Aki. 'Di nga lumilipas ang isang araw na 'di ka nakakapagkape sa office ko tapos ngayon tatanggi ka?"

Umismid si Hiroaki at tumingala sa kisame para magpanggap na walang narinig. Bumakas sa itsura ni Kyma ang magkahalong pagtataka at pagkadismaya.

"I guess, mauuna na ako. Baka busy pa kayo," paalam niya at tumayo na. Binitbit niya ang sariling tasa ng kape at nagmamadaling lumabas ng silid. Huminga siyang malalim at saglit na pumikit.

Pagkamulat, tila refresh na ulit ang utak ni Kyna at handa nang humanap ng ibang mapagkakaabalahan. Hindi pa man siya nakakailang hakbang mula sa office, may lumapit na sa kaniyang isang lalaki na si Lance. May dala itong flyers na may picture ng pagkain.

Kumislap ang mga mata niya nang makita ang poster ng burger at nachos. Nakaramdam din siya ng gutom lalo na't kape pa lang ang ininom niya ngayong umaga. Pero dahil estranghero ang lalaki, pinili niya itong lagpasan at hindi kausapin.

"Hi, ma'am, 'di ako masamang tao," paghabol ni Lance at iniharang ang flyers sa madaraanan niya. Napahinto siya at napatingin dito. "Nagbukas na kasi ang stall namin malapit lang dito. Doon sa may food bazaar. Baka gusto niyong bumisita at i-try ang binebenta naming burger at nachos. May free drink na rin kapag combo ang binili mo."

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon