"Office of the CEO. Mr. Orlando Sandoval," pagbasa ni Kyna sa karatulang nakadikit sa pintong nasa harap niya. "Naks, ang taray talaga. Hindi halatang milyonaryo o bilyonaryo na siya."
Kumatok siya ng tatlong beses gamit ang kaliwang kamay. Nang walang sumagot, inulit niya ito pero mas malakas na. "Sir, papasok ako, ha!" aniya para magpaalala. Hindi siya ganito sa ibang room maliban sa office ni Orlando dahil medyo magaan ang pakiramdam niya rito. Bukod kasi kina Sully at Hiroaki ay ito ang una niyang nakasalamuha.
Ilang segundo pa ang hinintay ni Kyna bago buksan ang pinto. Bumungad sa kaniya ang malinis at pangkaraniwang itsura ng office. May bulletin board sa gilid kung saan nakadikit ang business permit, ilang certificate, at announcements. Sa kanang banda ay may cabinet na may salamin na pinaglalagyan ng trophies at medals. Sa mismong harap ng pinto nakapwesto ang swivel chair at desk na may nakapatong na iba't ibang gamit. Sa bandang kanan ay may dalawang sofa, isang maliit at isang malaki, at coffee table. Doon niya nadatnan sina Orlando at Hiroaki na nagkukwentuhan. Tumahimik lang sila nang buksan niya ang pinto.
"Good morning to both of you! Buti andito kayong dalawa. Sakto dala ko ang pasalubong ko para sa inyo!" hyper na sambit ni Kyna at inangat ang hawak na paperbag.
"Saan ka ba galing?" usisa ni Orlando at inilapag sa lamesa ang tasa ng tsaa.
"Nag-shopping lang kami ni Hiroaki kagabi pero trip ko kayong bilhan ng damit so yeah,... I did," aniya sabay kindat.
"Sa'n ka pupunta ngayon?"
"Dito lang. Sa bar din sana mamaya para bisitahin si Hiro pero andito pala siya. Bakit?"
"Akala ko may pupuntahan kang party o event. Nag-gloves ka pa," komento ni Orlando at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Maagang naligo si Kyna ngayong araw para sa dalawang rason. Una, gusto niyang maging presko ang katawan at pangalawa, ayaw niyang magpalit ng maayos na damit hangga't hindi pa nakakaligo.
Nakasuot siya ngayon ng puting ruffled jumpsuit at stiletto. May accessories din siya tulad ng festoon necklace, link bracelet, pearl earrings at salaming walang grado. Naka-low ponytail lang siya ngayon at side bangs.
"Ayos ba? Binili ko lang 'tong damit kahapon. The rest is from my collection" Umikot si Kyna at nag-pose ng tatlong beses pagharap. Tumawa siya pagkatapos.
"Pwede ka na mag-model," pabirong sambit ni Orlando.
"Ng banyo," dugtong ni Hiroaki at tumawa.
"Oy, Hiro, manahimik ka kung wala kang matinong sasabihin."
"Nakasalamin ka na naman, wala namang grado," kunot noong sambit nito
"Yung salamin lang talaga yung napapansin mo no? Nagsuot ako ng ganito kahit mainit tapos 'di mo pala napapansin."
"Wag ka nga magsalamin!" dagdag pa nito.
"Sayang ang binili ko rito kung di ko gagamitin. Style 'to," aniya at nagkrus ng braso. Maya-maya'y may pumasok na ideya sa isip niya kaya ngumiti siya nang nakakaloko habang nakatingin kay Hiroaki. "Bakit ayaw mo akong magsalamin? Kasi mas maganda ako kapag walang salamin? Gusto mong mas malinaw na makita ang itsura ko?"
"Hindi. Nakakainsulto kaya. Ako nga ayaw magsalamin pero 'di ko magawa kasi malabo ang mata ko tapos ikaw maggaganiyan kahit malinaw pa ang mga mata mo."
"Problema mo na 'yun!" asik niya at nag-make face.
"Ano?"
"Sabi ko ang cute mo kapag may salamin kaya wag kang mag-alala."
"Hindi yan ang narinig ko."
"Pero 'yon ang sinabi ko," aniya at nag-flip ng buhok bago lumapit sa kinauupuan nila. Inilabas niya ang dalawang polo at shorts mula sa paperbag. "Dahil summer na, binigyan ko kayo ng beach shorts at polo. Ayos ba?"
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomanceKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...