Chapter 28

41 3 40
                                    

Isang linggong nanatili sa bahay si Kyna para obserbahan ang sariling kondisyon. Bumisita roon ang Tito Nathan niya at pinayuhan siya nitong huwag nang pumunta kung saan-saan para hindi lumalala ang sakit niya. Habang nag-uusap, binanggit nito ang tungkol sa ama niya pero hindi pa man nagsisimula ay pinutol na niya agad ang usapan. Sinabi niyang gusto na niyang magpahinga kahit hindi pa siya tapos i-check up kaya wala itong nagawa kundo sumunod.

Si Shine naman ay hindi siya nagawang kunsintihin. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa ang sinabi nitong, "now you're screwed. Binalaan na kita, Kyna. Pinsan kita pero hindi kita kukunsintihin. Kung gusto mong masolusyunan ang problema mo, linawin mo muna ang nararamdaman mo."

Buhat kasi noong umuwi siya sa bahay, napansin nito ang madalas niyang pagiging tulala at lutang. Hindi rin siya makausap nang maayos at hindi na ginagawa ang daily routine niya-bagay na lalo nitong ikinabahala kaysa sa mismong sakit niya. Kaya pagkatapos ng isang linggong pagpapahinga, ito na mismo ang naghatid sa kaniya pabalik sa Forsio Hotel gamit ang van. Iyon ay para na rin makuha nito ang natitirang mga gamit niya sa Room 210.

Laging nakatitig kay Hiroaki. Trying to figure out her own feelings.

"Alam mo napaghahalataan na kita." Napapitlag si Kyna nang biglang magsalita si Hiroaki na nasa tapat niya. Kasalukuyan itong naglalagay ng condiments sa nilulutong noodles sa palayok.

"A-Ano?" nauutal niyang tanong at umayos ng upo sa jacket na bato. Si Hiroaki ang naglagay ng jacket para raw kahit papaano ay mabawasan ang tigas ng inuupuan niya. Noong una ay awlward pa itong nag-alok kaya hindi niya alam kung seryoso ba ito o hindi pero sa huli ay malugod niya itong tinanggap ay nagpasalamat.

Habang nakaupo pa rin, inayos niya ang suot na makapal na jacket para mabawasan ang lamig na nararamdaman. Nakasuot siya ng black beanie, skinny jeans, white shirt, at pink rubber shoes.

Sa paglipas ng araw, humihina nang humihina ang katawan ni Kyna hanggang sa puntong nahihirapan na siyang itago ito. Hindi na talaga mapredikta ang madalas na pag-atake ng sakit niya kaya lagi siyang nag-iingat. At sa tuwing nangyayari iyon, hinihila siya pabalik sa reyalidad na kaunti na lang ang oras niya kaya kailangan na niyang maisagawa ang sariling misyon. Sa kabila ng mga payo ni Shine, desidido pa rin siyang ipagpatuloy ang nasimulan. Iyon ang dahilan kung bakit siya bumalik sa Forsio Hotel.

Nasa gitna sila ngayon ng kakahuyan para mag-camping. Kasama nila si Orlando pero nawala ito saglit para kumuha ng panggatong. Naiwan silang dalawa para magbantay sa nilulutong pagkain.

"Patay na patay ka talaga sa'kin 'no? Kanina ka pa nakatitig."

Totoong kanina pa nakatitig si Kyna kay Hiroaki. Pero kahit gaano pa iyon katotoo, wala sa pagpipilian niyang umamin dahil sa ego niya.

"Ang kapal!" aniya at umismid.

"Bakit? Hindi ba totoo?"

On the second thought, nilunok niya ang pride niya para sa misyon.

"T-Totoo," pagbawi niya sabay iwas ng tingin. Totoo nga ba o hindi? Sa katunayan, hindi niya na talaga alam dahil hindi mapayapa ang puso't isip niya.

Napangiti si Hiroaki sa narinig pero agad niya ring itinago. Mas yumuko siya hanggang sa makapantay ang palayok para lang hindi makita ni Kyna ang mukha niya. Hindi kasi siya sanay sa ganito kaya hindi niya maiwasang ma-weird-uhan sa sarili.

"Paluto na ang noodles!" pahayag niya at pinaypayan ang mahinang pinaypayan ang apoy para lumakas.

"Sakto, gutom na ako. Sa'n ba si Lando?" tanong ni Kyna at luminga-linga sa paligid. Nang hindi makita ay idinako niya ang tingin kay Hiroaki na ngayon ay nakakunot na ang noo. Hindi niya alam kung bakit ito mukhang galit pero sinubukan niyang magtanong. "Alam mo ba kung nasa'n si Lando?"

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon