Chapter 17

50 4 43
                                    

Mag-isang nakatambay si Kyna sa isa sa mga kubo sa Forsio Resort. Nagmumuni-muni siya at hindi mawala sa isip ang mga sinabi ni Shine kahapon. Hindi siya galit sa pinsan niya pero naiinis siya dahil nagawa siya nitong lituhin sa dapat niyang gawin.

Bago siya pumunta at makipagkita kay Hiroaki, siguradong-sigurado na siya sa plano. Pero buhat noong kinompronta siya ni Shine, bigla siyang nakaramdam ng takot sa posibilidad na pumalya ang plano niya. Kinakabahan siya dahil baka masayang ang lahat ng pinaghirapan niya para maisakatuparan ito.

Habang nanonood sa mga nag-iihaw sa bbq grills na nasa bandang likuran ng mga kubo, lumulutang ang isip niya. Nanunuot sa balat niya ang magkahalong init at lamig pero hinahayaan niya lang iyon para pahirapan ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa. Ang alam niya lang ay wala siya sa wisyo ngayon dahil sa mga iniisip.

Nakasuot siya ng puting halter neck ribbed crop top, mini skirt, at plain white shoes. Naka-high bun ang buhok niya at walang kahit anong accessories na suot.

"Kyna."

Napalingon siya sa entrance ng kubo nang biglang may kumatok ng tatlong beses at nagsalita. Nakita niya si Hiroaki na naka-pambahay na damit, tsineles, at gray jacket.

"Wala kang shift ngayon?"

"Sabado nga 'di ba?" tanong nito at pumasok na sa loob.

"Ah, oo," tipid niyang sambit sa pinakamababang boses. Kung kanina ay wala na siya sa mood, nadagdagan pa iyon nang makita niya ang taong naging dahilan nito.

"Mukha kang asul ngayon. Anong meron?" pansin nito at sinilip ang mukha niya pero mabilis niyang ibinalik ang tingin sa nag-ba-barbeque.

"Asul?"

"Blue."

"Geh."

"Anong geh? Lutang ka ba? Ang sabi ko mukha kang blue, as in malungkot."

Hindi siya sumagot. Paulit-ulit lang ang paghinga niya nang malalim kasabay ng pagkuskos ng mga palad sa hita para mabawasan ang lamig na nararamdaman.

"Pinapatawag ka pala ni Orly."

"Ba't daw?" tanong niya nang hindi pa rin tumitingin.

"May pupuntahan tayo."

"Kayo na lang. Tinatamad ako."

"Tinatamad o may problema?"

Napalingon si Kyna nang mahimigan ang pag-alala sa boses ni Hiroaki. Bumilis ang tibok ng puso niya nang mabakas sa nga mata nito ang concern. Umiwas siya ng tingin at suminghap pero hindi sumagot.

"Pangit ka na nga, sumisimangot ka pa. Siguro walang may type sa'yo," may halong pagbibirong sambit nito pero hindi tumalab. Seryoso pa rin ang itsura niya at parang pasan ang mundo.

"Anong type mo sa lalaki?" tanong pa nito para mabasag ang kakaibang katahimikan sa pagitan nila. Hindi nito mapigilang manibago dahil magaslaw at maingay ang pagkakakilala nito sa kaniya, malayong-malayo sa asal niya ngayon.

"Syempre gwapo, maginoo pero medyo—"

"Except sa corny at cliché at stereotype characters," pahabol niya kaya napataas ang isang kilay ni Kyna.

"Kung maka-corny naman 'to parang unique na unique kang lalaki. You don't know that those stories we're talking about were the stories that saved me during my darkest days. Naging haven at tahanan ko sila. Kung 'di dahil sa mga 'yon baka nabaliw na ako ngayon."

"Ano?"

"Wala! Sabi ko ang type ko... practically speaking, siguro yung lalaking hindi sinungaling at kaya akong ipaglaban. Marunong magluto at magmaneho. Tapos responsable," nakabusangot niyang sagot at halos umirap na.

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon