"Pumapayat ka na," pagbasa ni Shine sa isa sa mga comment sa post ni Kyna sa IG na naka-bikini habang nasa Forsio Hotel. "Sabi sa'yo pumayat ka na!"
Nakatambay ngayon sina Kyna at Shine sa Room 210. Nakahiga si Kyna sa kama habang nagbabasa ng libro, samantalang nag-s-scroll si Shine sa phone. Kakabisita lang ulit nito sa kaniya pagkalipas ng dalawang buwan. Buhat kasi noong magkasagutan sila ay bihira na silang nag-usap dulot ng tampo at inis sa isa't isa. Pero ngayon, napagpasyahan ulit nitong bumisita dahil isa siya sa mga taong hindi nito kayang tiisin.
Mas close sila ni Hiro at bumait na talaga ito, bagay na hindi ikinatuwa ni Shine. "Sexy tawag d'yan. Araw-araw kaya akong nag-wo-workout," ani ni Kyna habang nakapako ang tingin sa libro.
"Workout? Pa'no mo nasabing nag-wo-workout ka, iniwan mo nga sa bahay yung barbell at mat mo," puno ng pagdududa itong tumingin sa kaniya. "'Wag mo sabihing inaalila ka pa rin ni Hiroaki? Pinapahirapan ka niya?"
"Hindi, ah!" depensa niya at isinara ang hawak na libro. Tumingin siya kay Shine at proud na nagsalita. "Bumait na kaya siya sa akin. Feeling ko nga konting push na lang babaligtad na ang mundo namin at siya naman ang ma-he-head over heels sa'kin."
Nagsasabi siya ng totoo sa parteng bumait na si Hiroaki sa kaniya pero hindi siya sigurado sa isa pa. Para pa rin kasi silang aso't pusa kung mag-away pero mas madalas na silang nakakapag-usap nang matino tungkol sa mga bagay-bagay. At kapag nagbabangayan sila, pagdating ng kinabukasan ay bumabalik sila sa normal na parang walang nangyari.
"E bakit ka nga pumapayat? Sigurado akong hindi ka nag wo-workout. May problema ba, Kyna?"
"Of course not," mabilis niyang pagtanggi at umiling-iling. "Nagiging vegeterian na kasi ak-"
"Hindi ako nakikipagbiruan. Kaka-steak mo lang kaninang tanghali." Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang sugatan na si Kyna dahil sa sama ng tingin ni Shine.
"Napansin mo pala," ani ni Kyna at awkward na tumawa. Hindi niya maiwasang kabahan dahil nakakahalata na si Shine.
"Ayos kasi. Ano nga?!"
Nagpatay-malisya lang siya kaya lalo itong nainis. Dahil hindi siya sumagot nang maayos, pinag-aralan nito ang mukha niya. Saka nito napansing naka-make up siya, lalo na labi at pisngi, isang bagay na bihira niya lang gawin.
Tumayo ito at kumuha ng bimpo sa kabinet.
Dumiretso ito sa banyo para basain ang bimpo, saka bumalik sa kama kung nasaan siya."Sa'n ka galing? Anong gagawin mo?" tanong ni Kyna pero hindi sumagot si Shine. Sa halip, lumapit ito at hinawakan ang batok niya gamit ang kaliwang kamay, samantalang pinamunas ng mukha ang bimpo gamit ang kanang kamay.
"S-Shine-!" Hindi na siya nakapagprotesta dahil huli na ang lahat at nabura na nito ang kolerete sa pisngi at labi niya.
"May sakit ka?!" bulalas nito at nabitawan ang hawak na bimpo nang bumungad ang maputla niyang lavi.
Nanlaki ang mga mata ni Kyna at napalunok siya. "P-Pa'no mo nasabi?"
"'Yan lang ang pwedeng dahilan kung bakit ka nangangayayat." Tumayo nang tuwid si Shine at kinilatis ang iba pang parte ng katawan niya. Napansin nito ang likod ng kamay na may maliit na kulay itim at mukhang natakpan lang ng makapal na kolorete. "Ano 'yang nasa kamay mo? Pasa ba 'yan?"
Hindi na nakatanggi pa si Kyna. Sa mata pa lang ay nakumpirma na ang hinala ni Shine. Napasinghqp ito at napahilot sa sentido dahil sa natuklasan.
"Akala ko ba best friend tayo? Bakit ang pinakamabigat na bagay hindi ka manlang nag-abalang sabihin sa'kin?! Ano, nagbakasyon ka lang, nag-change of heart ka na?!" dismayadong tanong nito. "O baka naman kaya naisipan mong magbakasyon kasi nalaman mong may sakit ka?! Tell me, anong sakit mo! Nakakahawa ba 'yan? Nakakamatay? Malubha? Ano?!"

BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomanceKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...