"Hindi ka talaga nauubusan ng damit 'no?"
"Hindi pa rin lumalambot ang puso mo para sa'kin 'no?" tanong pabalik ni Kyna kay Hiroaki at nag-make face. Nakasuot siya ngayon ng Floral maxi wrap skirt, white long sleeve backless blouse, at back pin heels. Naka-half ponytail siya at ang gamit niyang panali sa buhok ay ang itim niyang claw clip. Wala siyang suot na accessories ngayon bukod sa hoop earrings.
Kapansin-pansin ang suot niyang damit dahil kabaligtaran nito ang suot nina Hiroaki at Orlando na shirt at maong shorts. Nagmukha tuloy alalay niya ang mga ito.
"Ang tagal mo na rito pero 'di pa kita nakikitang nag-uulit ng damit. Kung hindi simpleng shirt at shorts, nasobrahan naman sa pagka-garbo ang suot mo," sambit ni Hiroaki kay Kyna habang nakaupo sa passenger seat. Kotse ni Orlando ang gamit papunta sa pupuntahan nila. Si Kyna ang nakaupo sa likod, samantalang si Orlando ang nasa driver seat.
"'Di mo ba alam na maraming nagugutom? Kung ibinili mo na lang ng pagkain tapos ibinigay sa kanila imbis na pinambili ng mga 'yan."
"'Di mo rin ba alam ang hirap na pinagdaanan ng pamilya at ninuno namin bago ko marating ang ganito? Nagutom din ang pamilya ko noon, huy. Pero 'di sila sumuko. Baka mamaya ang bibigyan mo ng pagkain ay yung mga 'di nagtatrabaho, e di ikaw pa yung nganga?"
"Kaya nga bigay kasi walang kapalit. Kaysa i-take for granted mo ang pera at ubusin sa damit. Grabe ka gumastos."
"Pera ko naman 'to kaya may karapatan akong mamili kung sa'n ko 'to gagastusin. At hoy, galing sa ukay yung iba. Mukhang classy lang kasi ako yung nagsuot," ani ko at nag-flip ng buhok sabay ngisi. Sus, ayaw niya pang sabihing bagay sa akin ang mga damit.
"Ang kapal."
"And FYI, appreciation ang tawag dito. 'Di natin alam ang bukas. Baka kakatipid mo, natigok ka na nang 'di na-e-enjoy ang buhay."
"Kahit na. Ang OA pa rin ng pormahan mo sa pupuntahan natin," sagot ni Hiroaki sa akin at mukhang ayaw pa rin magpaawat.
"Sabi niyo kasi pupunta tayo sa dating tambayan nating dalawa noon."
"Anong meron? Playground lang naman 'yon."
"Kaya nga. Ganito ang sinuot ko so that my younger self would be proud," conyong sagot ni Kyna at sumandal.
"Bakit? Makikita ka ba niya roon?"
Suminghap si Kyna at pumikit para ikalma ang sarili. Nagmulat siya ng mata at sinamaan ng tingin si Hiroaki kahit nasa bintana ang tingin nito. "Sapak gusto mo?"
"Ayaw," pamimilosopo pa rin nito kaya hindi niya maiwasang mapairap.
"Alam mo 'di ko talaga alam kung bakit kita natitiis. Sure ka bang 'di mo ako ginayuma?"
"Malamang hindi at wala akong balak."
Umismid lang si Kyna at nagkrus ng braso.
Lagpas dalawang buwan na ang nakalipas buhat noong unang pumunta siya sa Forsio Resort. Sa ilang buwang iyon, mayroon na siyang ibang nakakausap bukod kina Orlando at Hiroaki. Pero may isang taong hindi pa rin niya maatim, si Harlene na kaibigan ni Hiroaki.
Ilang beses nang nakabisita si Shine sa Forsio Hotel at tuwing pumupunta, naglalaan silang tatlo ng oras para makapag-hangout. Pero kapag hindi talaga kaya, sila ni Kyna na lang ang nag-bo-bonding.
Sa loob din ng dalawang buwan, kabisadong-kabisado na ni Kyna ang bawat sulok ng room ni Hiroaki. Halos araw-araw kasi siyang pinapapunta nito para utusan ng kung anu-ano. Ultimong pagkuha ng tubig sa ref at pagbabalik ng remote mula sa dining table papunta sa center table ay inuutos pa nito. Gusto na niya sanang sumuko pero mas gusto niyang tumupad sa usapan na isang daang araw siyang magiging "alipin". Mas matimbang din ang pagiging bored sa sariling kwarto at ang pagkakaroon ng mas mahabang oras kasama si Hiroaki kaya ipinagpapatuloy niya ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/162156268-288-k371630.jpg)
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomantikKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...