Chapter 20

52 4 43
                                    

Kung kanina ay masigla ang awra ni Kyna, ngayon ay hindi na maipinta ang mukha niya. Nakaupo siya sa isa sa mga bench sa mall habang nagpapahinga. Kasama niya sina Orlando, Hiroaki, at Shine kanina pero nagkahiwalay sila noong pinili niya munang magpahinga.

"Mukha ka na namang problemado," pansin ni Hiroaki at umupo sa tabi niya. "Hangout daw pero mas mahaba pa ang oras mo sa pag-upo rito."

Hindi gumalaw sa pwesto si Kyna at hindi napansin ang pagdating ni Hiroaki. Tulala lang siya at sinusubukang balikan ang kaniyang nakaraan- ang buhay niya bago dumating sa Forsio Hotel. Ilang beses siyang bumuntong hininga habang nakatitig sa kawalan.

"Lods, anong problema? Hello?" Kahit anong pagpapapansin at pagsenyas nito ay walang epekto sa kaniya. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa malayo at lutang ang pag-iisip.

Nag-make face ito at inilabas ang phone. Itinapat nito ang camera kay Kyna at kinuhanan ng litrato. Tumawa ito pagkatapos at tinitigan ang litrato ni Kyna. "Ang pangit mo! Nakanganga at parang pagod na sa buhay."

Napatigil sa pagtawa si Hiroaki nang mapansin hindi siya tumawa.

"I-po-post ko 'to sa IG mo," pananakot nito at sinilip ang mukha niya pero laking dismaya nang wala pa rin itong pagbabago. Huminga itong malalim at inilabas ang isang libro mula sa bag, sabay abot sa kaniya. "Dinala ko pala yung libro mo. Hihiramin ko sana pampalipas oras ngayon pero mukhang mas kailangan mo."

Inis itong napakamot ng ulo nang hindi makakuha ng kahit anong sagot mula sa kaniya. Pero kahit ganoon, sumubok pa rin ito. "You fucking want?"

Nanginginig ang kalamnan ni Kyna nang marinig ang biglang pagmumura ni Hiroaki. Napalingon siya rito at nakitang nakatingin ito sa kaniya.

"Andyan ka pala," walang gana niyang sambit.

"Oo, kanina pa. Pagmumura ba ang password para makuha ng lalaki ang atensyon mo?"

"No. May iniisip lang ako," aniya at suminghap ulit.

"Tinaboy kamo ako nina Orly at Shine," pagkukwento ni Hiroaki at nagkrus ng braso.

"Asan sila?"

"Nag-da-date yata."

"Weh, 'di nga?"

"Joke, ewan ko. Basta nagpasama si Orly kung saan."

"Si Orly yung nagpasama at hindi si Shine?" nagtataka niyang tanong.

"Oo, gagawa yata ng first move," may halong biro nitong sagot. "Bakit?"

"May sinabi ba sa inyo si Shine?"

"Wala naman. May dapat ba kaming malaman?"

Umiling-iling si Kyna at bahagyang yumuko. "Wala."

"Weh?"

"Just... remember summer. Kung kailan tayo unang nagkakilala nung mga bata pa tayo... pati ngayon. Summer ulit," aniya at bumuntong hininga.

"Tapos?"

"Wala. Tandaan mo lang."

Pinanliitan siya nito ng mata at inobserbahan.

"Ikaw? Nakalimutan mo na ba talaga ang ibang parte ng childhood mo?"

"Oo. Bakit?"

"Wala lang din."

Pareho silang natahimik. Si Kyna, lumipad na naman ang isip sa ibang mga bagay. Si Hiroaki naman, malakas ang kutob na may tinatago siya. Pero dahil alam nito sa sariling maski ito ay may sikreto rin, hindi na nito pinilit pa ang usapan. Nanatili na lang itong nasa tabi niya hanggang sa dumating sina Orlando at Shine.

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon