Chapter 15

56 4 50
                                    

"Your face tells otherwise. You can talk to me 'bout everything. I'll listen."

Kumurap-kurap si Kyna sa narinig mula kay Orlando. Bukod sa hindi niya iyon inaasahan, masyado ring seryoso ang pananalita nito.

"Crush mo ba 'ko?" out of the blue na tanong ni Kyna at nag-angat ng tingin. Nang magtama ang paningin nila, nakita niyang napalitan ng mahinang tawa ang kaninang seryosong aura nito.

"Ba't mo natanong?"

Nagkibi-balikat si Kyna. "Malay mo kasi 'di ba. Sobrang bait mo kaya sa'kin. Tingnan mo, nililibre mo ako sa ibang gastos dito sa resort tapos 'di ka pa nagsusungit."

"To be honest, we have other public figures and celebrity guests aside from you. Halos ganoon din ang ginagawa ko sa kanila."

Imbes na ma-offend at masaktan, gumaan ang loob ni Kyna sa 'di malamang kadahilanan. Pero sa tingin niya iyon ay dahil si Hiroaki ang gusto niyang ma-attract at hindi si Orlando. Ipibatong niya ang magkabilang braso sa lamesa at pabirong sumagot. "Sabi ko nga assuming lang ako. But do you... perhaps like my cousin Shine?"

Bahagya ulit natawa si Orlando sa tanong niya.

"Sige, puro tawa na lang. Ganon?"

Nagtikom ito ng bibig at umiling-iling.

"Pero ano? Gusto mo nga siya 'no?" tanong niya ulit. Nakumpirma niyang tama ang hula niya nang hindi ito tumanggi, maski sumagot. Napaawang ang bibig niya. Magkahalong mangha at inggit ang naramdaman niha.

"Buti pa siya ilang beses mo lang nakita at nakausap sa personal, in love ka na agad. Samantalang si Hiro—"

"Attracted lang," paglilinaw ni Orlando. "It's not safe to say I'm already in love with her. It's not that deep."

"Ah," patango-tangong sambit niya at nilibot ang tingin para hanapin si Hiroaki. Nakita niya itong abala sa pagkuha ng order ng ibang customers.

"How's Aki so far?" biglang tanong ni Orlando na pumukaw ng atensyon niya.

"What do you mean?"

"How's your relationship? I mean, tanda mo ba siya bilang kaibigan mo noon?"

Hindi agad siya nakasagot. Nag-iwas siya ng tingin at huminga nang malalim.

"Kyna?"

"H-Ha?"

"Ayos ka lang-?"

"Ayos lang. Ayos naman. Ayos din kami ni Hiro," magkakasunod niyang sagot at halatang nag-pa-panic. Tumingin siya rito at mas lalong nag-panic nang mahalatang hindi ito kumbinsido sa sagot niya.

Peke siyang umubo sumulyap kay Hiroaki. Nasa malayo pa rin ito ngayon, sa may counter, habang nag-aabang ng orders. Ibinalik niya ang tingin kay Orlando at mas lumapit pa. Lumunok siya at hininaan ang boses para ito lang ang makarinig. "Can you keep a secret?"

Naguguluhan itong tumingin.

"I can't remember everything about my-our childhood. I can barely remember his face before."

"Ha? Ano lang ang naaalala mo?"

"Just memories."

"What kind of mem-"

"Anong ugali ni Hiro?" mabilis na pag-iiba ni Kyna ng usapan at sumandal na ulit. Bumalik na ang normal na boses niya at kaswal na ang pananalita niya. Napansin iyon ni Orlando pero hindi pinansin.

"Ugali?"

"Oo, like barumbado, tarantado, etc. Anong ugali meron siya?"

"Mabait talaga si Aki. Hardworking din."

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon