"How to make a man fall head over heels for you?" Ito ang kasalukuyang nasa recent search activity ni Kyna. Lagpas tatlumpung minuto na siyang nagpalipat-lipat ng sites para lang makakuha ng matinong sagot na sa tingin niyang applicable sa kaniya.
Nakahiga siya ngayon sa sariling kama habang nag-pho-phone. Nakasuot siya ng ternong pajama na disenyong barbie at may eye mask sa noo. Maputi siya, katamtaman ang tangkad, maliit ang mukha, at halos hanggang balikat ang tuwid at makapal na buhok. Binansagan siyang angelic face ng maraming tao dahil sa maamong itsura.
Medyo malakit at maaliwalas ang kwartong tinutuluyan ni Kyna dahil walang gaanong gamit. Bukod sa kama, isang maliit na book shelf, study table, wooden cabinet lang ang meron sa kwarto. Makulay ang pader dahil sa ibang-ibang paintings na siya mismo ang nagpinta.
May tatlong pinto sa kwarto. Kasama na rito ang pinto palabas kung saan nasa tapat ng kama. Ang isang pintong nasa bandang kaliwa ay para sa banyo at ang isa pang katabi nito ay para sa dressing room.
"Bakit ba kasi 'di makatotohanan ang mga 'to," reklamo ni Kyna at pumadyak-padyak sa ere habang nakahiga pa rin sa kama. Pale blue ang kulay ng bedsheet, comforter, at pillow case niya at queen-sized ang laki. Magulo ang itsura nito dahil sa mga nakakalat na libro at hindi maayos na pwesto ng mga unan at mismong comforter.
"Ba't ba kasi puro taken na ang mga lalaking kilala ko? Ang hirap tuloy landiin!"
Sa gitna ng pag-mo-monologue ni Kyna, bumukas ang pinto ng kwarto. Dahil sa gulat, nabitawan niya ang phone at pumatak ito sa mukha niya. "Potek, sino 'yan?"
"Para na namang napagdaanan ng bagyong Kyna ang kwartong 'to," bungad ng isang babae pagpasok ng kwarto. Naka-puting headband siya, rebonded ang buhok, matangkad, balingkinitan ang pangangatawan at medyo maputi. Nakahawak siya sa doorknob gamit ang kaliwang kamay, samantalang may hawak na tasa ng kape sa kanan.
"Kumatok ka naman, Shine, bago ka pumasok," reklamo ni Kyna at umupo sa kama. Hinimas-himas niya ang noong natamaan ng phone.
"Nakakalat na naman ang mga libro mo sa kama," an nito nang hindi pinapansin ang sinabi niya.
"'Di obvious," pamimilosopo ni Kyna at umirap.
"Hulaan ko, romance novels na naman 'yan, 'no?"
"'Di pa rin obvious," irap niya at nagkrus ng braso. Umiling-iling si Shine at lumapit sa study table para ipatong ang tasa. Dumiretso siya sa kama pagkatapos para patasin ang ilang mga librong nasa kama.
"Basa ka nang basa ng romance novel wala ka namang jowa," panama ni Shine at nag-make face.
Bumusangot si Kyna sa isang tabi. "Aray ko, ha. Kaya nga ako nagbabasa ng mga ganiyan kasi single ako. Kulang ako sa kilig kaya 'wag kang ano d'yan."
"Maling Akala?" magkasalubong na kilay na pagbasa ni Shine sa isa sa pocket book na nasa harap niya. Hinawakan niya ito at pinagmasdan ang book cover. Animated ang itsura ng main characters, babae at lalaki, at itsurang nagsasayaw sa isang ball party. May maskara ang lalaki sa mata at nakasuot ng itim na coat. Dreamy naman ang mata ng babae at naka-pink na ball gown.
Biglang umaliwalas ang mood ni Kyna sa narinig. "Maganda 'yang libro! Lalo na yung sa part na heart pounding confession ni guy! Jusko, puso ko!" Sa isang iglap, para siyang naging bulate na binudburan ng asin. Nagpagulong-gulong siya sa kama habang ini-imagine ang isang nakakakilig na confession mula sa istorya. Hindi pa siya nakuntento at nagtakip pa ng unan sa mukha para impit na tumili.
"So, romance din 'to? Para kang timang, Kyna," natatawang sambit ni Shine at binitawan ang libro. Sa binanggit pa lang ni Kyna ay na-c-cringe na siya. Marahil ay hindi siya yung tipo ng babaeng mahilig sa romance genre.
"Panira ka talaga ng moment," irap ni Kyna at umayos ulit ng upo.
"Ikaw kasi, eh. Parang hindi mabubuhay 'pag walang lalaki."
"Adulting things. Bata ka pa kaya 'di mo maiintindihan," pabiront sagot ni Kyna at pinanliitan ito ng mata.
"Matanda na rin kaya ako."
"Pero hindi kasintanda ko. 24 ka pa lang, 28 na ako." Itinaas ni Kyna ang kamay niya para ipaalala ang 4-year gap nilang dalawa.
Mag-pinsan sina Kyna at Shine pero magkapatid na ang turingan nila kaya madalas silang nag-aasaran. Matagal na silang magkasama sa iisang bubong. Mula nung pumanaw ang ina ni Kyna, sa bahay na niya tumira si Shine para may kasama siya. Malapit na naman sila sa isa't isa mula teenager kaya ayos lang. Isa pa, malapit lang sila sa totoong bahay ng pamilya ni Shine.
"Kahit na, legal na rin ako."
"Kahit legal ka na wala ka pa rin yatang balak magka-jowa," ani ni Kyna at parang batang nagbelat.
"Wala nga," pakli ni Shine at napangiwi nang biglang ma-imagine ang pagkakaroon ng kasintahin. Ibinalik na niya ang mga libro sa shelf at inubos ang kapeng iniinom.
"Bahala ka, tatanda ka nang mag-isa."
"So what? Ikaw nga kahit anong pilit mo wala ka yatang mahanap," pang-aasar nito pabalik at tumawa.
"Basta lalabas ako bukas. Makikipagkapwa ako para masaya."
Nagsalubong ang kilay ni Shine sa narinig. "Ano?"
"For now, mag-be-beauty rest muna ako. Good night!" Sumenyas si Kyna at humiga na. Ibinaba na niya ang eye mask sa mata. "Tulog ka na rin!" pahabol niya bahagyang tinanggal ang eye mask para silipin si Shine na pumunta na sa may pinto.
"Maya-maya," sagot nito pinatay na ang ilaw. Tanging lampshade na lang ang natirang nakabukas. "Kyna, magtino ka, ha. Baka mamaya iiyak-iyak ka sa'kin dahil sa kagagahan mo. Bawal tanga sa pag-ibig sa pamamahay na 'to. Rules natin 'yon."
Mahinang tumawa si Kyna sa narinig. Ipinatong niya ang comforter sa buong katawan bago magsalita. "Alam ko, alam ko. Hindi ako magmamahal sa taong 'di ako mahal."
★
BINABASA MO ANG
To Capture Her Heart
RomanceKyna Lindsay, a 28 year old and a hopeless romantic woman, tries to find true love through her own ways. From reading romantic novels to applying to reality, will she be able to achieve her ultimate goal? Just when she thought that finding love is...