A/N Enjoy reading guys! Thank you :D
[EJ’s POV]
“Kapalness overload! Ang tamaan man ako ng kidlat ngayon, hinding hindi ako mai-inlove sayo, mokong ka! Mas gwapo pa rin sayo si Rick”
Arg! Nakakapanggigil! Nagtatakapa nga ako kung paanongbuo pa rin ang steering wheel ng kotse ko ngayong halos kapitan ko na ito ng sobrang higpit. Imbis na pagsususntukin ko ung manibela, kinapitan ko nalang ng mahigpit hanggang mamuti na ung mga kamao ko.
Hindi naman ako pwedeng magwala dito ngayon dahil katabi ko parin ung taong may kasalanan kung bakit naiinis nanaman ako.
Hindi! Nagagalit pala! Sobra na sya huh! Below the belt na nga ung sinabi nyang hinding hindi sya ma i-inlove sakin tapos dinugtungan pa nya ng pangalan ng isang asungot?
AAAARRGGGGGGG! >:(
Parang makakapatay ako ng tao, ung nag nga-ngalang Rick!
Nang makarating kami sa destination namin,na sa isang vacation house ay walang sabi sabing bumaba agad akong sasakyan at nag dere-deretsong pumunta sa loob ng bahay
Letseng buhay to oh! Lagi nalang bang ganito? Tuwing kasama ko sya, iba naman ang iniisip nya!
Hanggang kaibigan nga lang kasi angkaya nyang ibigay sayo, bakit ba hindi ka makunteto dun?
Mamatay na kung sino man ang nagsabi nyan!
Paano naman ako makukuntento dun eh, ayoko ngang hanggang dun lang kami. Lalo na kung kay Rick nanaman sya babagsak. Pero kahit kanino siguro sya bumagsak hindi ko papayag! Basta akin lang sya. Magkamatayan man.
Naiinis na pinadaan ko ung kamay ko sa buhok ko. Tumingin ako sa may pintuan, wala paring Karen na pumapasok. Ung kaninang inis na nararamdaman ko ay unti unting napapalitan ng takot.
![](https://img.wattpad.com/cover/1306549-288-k294792.jpg)
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...