A/N AGAIN! I would like to thank each and every person who pass by and read this. You guys are making me all mushy because of your comments, votes and messages :'))) Thank you so so much! GOD BLESS!
I hope you like this one :D
[Karen’s POV]
“Karenz, are you ready?” pasigaw na tanong ko mula sa kusina “Your daddy Mike will be here any minute”
Narinig kong may bumukas na pinto at maya maya lang ay nakita ko na si Karenz na naglalakad papunta sa kusina at nakayuko ito. Tinapos ko na ang giagawa kong paghuhugas at lupamit ako dito
“Is something wrong baby?” iniangat ko ang muka nito
Malamlam ngayon ang mga mata nito kaya naman hindi ko naiwasang mag alala pero ngumiti ito sa akin.
“I’m okay mom”
“Are you sure?” paniniguradong tanong ko dito. Tumango tango naman ito saka ako hinalikan sa pisngi
Makaraan ng ilang sandali ay dumating na si Michael para sunduin kami. Ngayon kasi nito balak ayusin ang mga dapat ayusin sa kasal namin. Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang tungkol dun
Isang linggo nalang…
“Hi hon” bati ni Michael sa akin saka ako hinalikan sa mga labi. Saglit lang naman iyon at palagi naman nitong ginagawa ang ganun tuwing magkikita kami kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa ginawi nito ngayon.
Numiti nalang ako dito para itago ang pagkailangan ko. Bumaling naman ito kay Karenz at hinalikan ito sa noo. Nababahala talaga ako sa kawalan ng sigla ngayon ni Karenz. Para kasing may mali dito ngayon pero ng tignan ko naman ito at tumingin ito sa akin ay ngumiti naman ito.
Idinaan lang namin si Karenz sa school nito at tumuloy na kami sa isang restaurant. Ngayon kami makakaroon ng food tasting para sa reception ng kasal namin. Habang ipinatitikim sa amin ang mga pagkain ay si Michael nalang ang hinayaan kong mag komento ng magkomento. Wala naman kasing kaso sa akin ang mga pagkain samantalang ito ay maraming reklamo.
Habang nakikipag usap si Michael ay biglang nag ring ang cell phone ko at si Karenz ang tumatawag. Sasagutin ko na sana ito ng bigla nalang kunin ni Michael ang cell phone sa kamay ko.
“Hon, ilang araw nalang at ikakasal na tayo. Hindi ba pwedeng mag concentrate ka muna sa pag aayos ng kasal natin kaysa sa ibang bagay?” seryosong sabi nito
“Pero natawag si Karenz, baka mamaya may emergency o may kung ano man na nagyayari sa kanya” kinakabahang sabi ko dito
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...