Episode 21 *Michael*

16.7K 179 5
                                        

Dedicated to>> PrincessAdviser :') Thank you for the support! I really really appreciate it :D God bless! :*

To everyone>> Thank you, God bless you all and take care! :')))))))))

[Karen’s POV]

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nung insidente sa mall, lumipat na rin muna ako sa bahay ni Sherrill, depress kasi ito dahil sa pesteng kaibigan ni Ej na si Jeff. Tsk! Totoo ngang birds with the same feather, flocks together. Dahil parehong peste sa puso ang dalawang tinamaan ng magaling na iyon

“So kaya mo ako pinalipat dito para maging taga abot ng tissue mo na pangsinga mo, ganun?” naka ngiwing tanong ko kay Sherrill

Nasa kumedor kami ng bahay nito ng mga oras na iyon. Ngumangalngal si Sherrill at ako ay nasa tabi nito na nakatayo habang inaabutan ito ng fresh tissue papers pamunas sa luha nito.

Tinignan ako ng masama ni Sherrill saka pahablot na kinuha ang iniaabot kong tissue dito

“Tama na kasi ang ngawa, gaga ka rin naman kasi dahil nagpauto ka sa magaling na lalaking iyon. Simula pa lang ay nagkasundo na kayo na friends with benefits lang ang relasyon nyo at hanggang doon lang iyon. Tapos ngayon da-drama-han mo ako na “ I love him” naku Sherr! Ang sarap mong katayin, alam mo un? Tanga na nga ako dahil sa pesteng kaibigan nya, pati ba naman ikaw nagpakatanga pa dahil sa kanya? Paano na tayo mabubuhay nyan eh pareho tayong tanga”

“Nung ikaw ba, nagluluksa sa walanghiyang Ej na un, pinigilan ba kita?” naiinis na sabi nito

A way to get Pregnant (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon