[Karen’s POV]
“Talaga! Kaya nga kahit best friend mo eh pwede mo pa ring mahalin, diba?” nakakalokong tumingin si Rick sakin
“H-Huh?” biglang binayo ng kaba ang dibdib ko dahil sa implikasyon ng mga sinabi nito
“Karen, hindi ka na bata, don’t you think playing hide and seek still suit you? At isa pa, hindi kasalanan na magmahal ka. Kasalanan na wala kang gawin pag ipaalam iyon. Ano bang ikinatatakot mo?” natatarantang ininom ko ung hawak kong beer na nakalimutan ko na dahil sa paguusap namin kanina pero ngayon, mukang kailangan ko pa ulit ng marami nito
“Hindi ko alam ang sinasabi mo” nag iwas ako ng tingin dito
“Karen, obvious naman na mahal mo si EJ at halata naman na ganun din sya sayo” natigilan ako sandali at napatingin dito
“Mali ka, hindi kami pareho ng nararamdaman” nalungkot ako bigla ng maalala ang nagyari noon sa café noong akala ko ay aamin na sya pero hindi pala, malamang na nga na hindi para sakin ang mga sinabi nitong iyon eh
“Tinanong mo ba sya?” umilig ako
“Sinabi mo bang mahal mo sya” umiling ulit ako
“Eh pano mo nalang mali ako kung hindi mo naman pala sinubukan?” kumunot ang noo ko saka humarap dito
“Bakit? Kung totoo man yang sinasabi mo, eh bakit hindi sya ang unang nagtanong? Bakit hindi sya ang unang nagsabi? Wala syang sinasabi dahil wala naman syang sasabihin. He only love me in a brotherly way, no more no less” humina na ang boses ko habang sinasabi ko ang huling kataga
“No! Sometimes, we, guys, tend to show our feelings than to let it all out. Mas nadadalian kasi kaming magpakita ng damdamin kaya ang magtapat. Kayong lang mga babae ang hindi nakakaintindi. Akala nyo kasi madaling mag sai ng ‘I Love You’ kung hindi ka naman sigurado na mahal ka rin nung taong mahal mo. Kaya nga ipinaparamdam nalang namin sa inyo kaso kadalasan, na mi-misinterpret nyo. Akala nyo, ganun kami sa lahat ng babaeng nakakasalamuha namin ang hindi nyo alam, para lang talaga iyon sa inyo na espesyal at may puwang sa puso namin” lumapit ito sakin at hinaplos ang muka ko
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
