Episode 16.1 *Loving him*

17.1K 189 7
                                        

A/N Thank you po for supporting this story so, I dedicate this to you :') God bless and Thank you again :')



[Karen’s POV]

“Bruha! Kailangan ka na bang dalhin sa mental? Sabihin mo lang huh kung mangangagat ka na dyan! Aba, mahirap na baka may rabies ka na, mahawa pa ako sayo” natatawang sabi ni Sherrill

Naka upo kami sa isang bench sa loob ng studio habang nakatingin sa mga modelong nag pi-pictorial. Pangiti ngiti kasi ako habang ito naman ay hindi maipinta ang muka kanina ng puamsaok kaya malamang na naiinggit ito sa blooming aura ko

Tinignan ko ito ng nakangiti “Inggit ka lang!” kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko saka ako inirapan

“Ewan ko sayo!” naka irap na sabi nito

“Hay naku mare! Masama ang palaging nakasimangot, pumapangit. Sige ka nyan magkaka wrinkles ka akaagad nyan” natatawang sabi ko dito

“Ay naku! Ang sama namang ngayon ka pa nagka love life, sana magbreak agad kayo ni John!” nakasigaw na sabi nito. Ako naman ang sumimangot saka ito kinutusan ng mahina

“Aray! Nagiging bayolente ka huh!” naiinis na sabi pa nito habang hinihimas ang ulo nito

“Grabe ka naman kasi, wala pa  ngang masyadong nagyayari sa love story namin gusto mo na agad matapos. Ang sama mo te! Bitter ka lang, kailangang nangdadamay kapa. Ni hindi ko pa nga alam kung ano na kami ngayon sa isa’t isa eh” lumabi ako

“Obvious ba, edi KAYO na as in! Pwede ba namang hinalikan ka na nya tapos friends pa rin kayo. Baka nga hindi lang halik ang nagyari sa inyo, ayaw mo lang sabihin sakin” taas ang isang kilay na sabi nito sakin

Tinignan ko ito ng masama dahil malakas ang pagkakasabi nito niyon at nagtinginan ung iba naming mga kasama saka nagbulungan

A way to get Pregnant (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon