[Karen’s POV]
Matapos ang pag uusap namin ni Sherrill, saka lamang lubos na napanatag ang isip at puso ko. Ngayon alam ko na at sigurado na ako sa dapat kong gawin. Mag papakasal ako. Walang duda na iyan ang gusto kong magyari sa buhay ko. Ang magpakasal sa lalaking nanaisin kong makasama sa habang buhay. At ngayon, walang pag aalinlangan na inamin ko na sa sarili ko kung sino ang taong iyon.
Mula sa mall ay umuwi ako at kinuha ang sasakyan ko. Medyo traffic na ng mga oras na iyon dahil uwian na. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para mag isip. Napatingin ako sa mga kamay ko at tumutok lamang ang mga paningin ko sa sing-sing na bigay ni Michael bilang engagement ring. Napabuntong-hininga ako ng bahagya ng maisip ko muli kung paano ko tinanggap ang naturang sing-sing.
Aminado ako noong mga panahong iyon na pinagisipan ko ng mabuti ang sitwasyon namin ni Michael. Ang relasyon namin ay hindi naman masasabing makulay, ayos lang kung baga. Kaya nga noong nagpaparamdam na ito sa akin na gusto na nitong lumagay sa tahimik ay napaisip na ako. Kung ako ba ay aalukin nito ng kasal ay tatanggapin ko ba?
Paulit-ulit ko iyan tinatanong sa sarili ko at isa lang ang nagiging sagot doon.
Bakit naman hindi?
Iyan palagi ang sagot sa tuwina kaya ng mag propose ito ay pumayag agad ako pero… May mga hindi inaasahang pangyayari bago pa man hiningin nito ang kamay ko. Nakita ko muli si EJ at doon nagsimula lahat ng mga pagdududa ko sa sarili ko at maging sa kung anong meron sa amin ni Michael.
Lumiko ako sa isang exclusive subdivision kung saan matatagpuan ang malapalasyong bahay nila Michael. Alam kong nandito siya ngayon sa bahay ng mga magulang niya para sa okasyon bukas. Tumigil ako sa kabilang kalsada katapat ng malaking gate ng mga ito. Pinatay ko ang makina ng sasakyan at humugot ng malalim na hininga.
I just need to clear one thing to him so that I could be sure of myself. I know what I want for my life now, it was so clear to me yet it was also hard to get. Ilang sandali nang nakahimpil ang sasakyan pero hindi pa rin ako umaalis sa aking pagkakaupo. Muli nanaman kasing sinalakay ng kaba ang dibdib ko.
I get my phone from my bag and started texting him. I told him that I’m outside and that I need to tell him something. I badly need to hear his voice, feel his presence and see his smiling face because tomorrow we are going to be a total different people from what we are right now. I need to tell him that I love him…
[EJ’s POV]
I am restless. And because of that I try to make myself drunk but after a third shot I pay the bill and walk out of the bar. I drive home instead but when I was in my room, I couldn’t sleep. I was lying on my bed while staring beyond the white ceiling and thinking of her.
Napabangon ako at naupo sa gilid ng kama. Gusto kong batukan ang sarili ko o mas mainam pa nga yata kung tumalon nalang ako sa labas ng bintana ng unit ko.
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
Ficção GeralKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
