[Sherrill’s POV]
“Sherrill, parang awa mo na, sabihin mo na kasi sakin kung nasaaan si Karen” nagmamakaawang sabi ni EJ
Tinitigan ko lang ito ng matagal saka napabuntong hininga
“John, ayaw nya ngang ipasabi kung nasaan sya. Hayaan mo nalang muna si Karen” mahinahong sabi ko dito
Naaawa man ako dito ay wala naman akong magagawa kudi sundin ang ipinakiusap ng kaibigan ko. Kung hindi ko nga lang talaga mahal ang isang un edi sana matagal ko nang sinabi kay EJ kung nasaan sya.
It’s been two weeks since she decided to go soul searching. Gusto nya daw makalimutan kahit sandali si EJ at sana daw ay matauhan na sya at hindi na nya pag aksayahan pa ng luha at pagmamahal ang isang to. Katakutakot na pagtutol ang inani nito saakin ng sabihin nito iyan pero alam kong malalim ang pinagdadaanan nito kaya sa huli ay napapayag na rin ako nito na makisali sa pakulo nitong ewan ko lang kung tatalab
She’s planning on moving on. Sus! Akala naman nya ganun lang kadali un. Walang nakaka move on ng overnight at sa pagkakaalam ko ay wala ding nakakamove on sa loob ngtwo weeks.
“Please Sherrill, I’m begging you, ano ba kasing kailangan kong gawi sabihin mo lang sakin kung nasaan sya. Sabihin mo lang at gagawin ko” malungkot na sabi nito
“Obvious naman kasi na ayaw ka taaga nyang makausap dahil hindi ka nya kinokontak at saka malamang na umiiwas sya sayo dahil hindi nya sinabi ang plano nyang pag alis. John, there are times na kailangan muna nating hayaan ang isang tao na mapag isa para makapag isip sya ng dapat nyan gawin sa buhay nya. All we could do now is to understand what she feels. Malay mo, pabor pa sayo ang paglayo nyang ito” natigilan ito sandali
“Damn it!” nagulat ako ng bigla nalang itong nagwala, nasa loob kami ng opisina ko kaya walang makakarinig ng mga pinag uusapan namin. Napatayo ako sa upuan ko at napalayo ng kaunti dito. Tumigil lang ito ng masawa siguro sa kakasuntok sa pader sa gilid ng opisina ko.
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
