[Karen’s POV]
Kanina pa ako paikot ikot sa kwarto ko… Nahihilo na ako pero hindi talaga ako mapakali. Kasalanan ko ito eh! Dapat talaga hindi na ako pumayag na makipag kita sa kanila,dapat nangdahilan nalang ako na busy ako… Kahit ano basta dapat hindi ako pumayag >_____<
“Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!...” para na siguro akong baliw kakapaikot ikot dito at kakasabi niyan pero hindi ko mapigilan. Naging masama kasi bigla ang pakiramdam ko ng malaman kong lahat ng mga bruha kong kaibigan ay pupunta doon sa bar mamaya
A grand reunion! Perfect! Just perfec! >___<
Wala naman talagang kaso saakin iyo. Miss ko na naman talaga ang bawat isa sa kanila kaso lang…
“Center of attention nanaman ako nito!” sa palagay ko kasi ay puputaktihin nanaman nila ako ng mga tanong at hindi talaga sila titigil hanggat hindi napipiga ang sagot na gusto nila mula saakin.
Sa hinaba haba ng oras ng pag iisip ko ay walang conclusion na nabuo sa utak ko kundi ang tumuloy. Bahala na! Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko
“It’s not like they’re going to torture me or something” Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Fighting Karen!
After an hour, I decided na pumuta na sa bar kung saan sinabi ni Mia na pumunta ako. Pag pasok ko palang ay nabungaran ko na agad ang mga bruha kong kaibigan. Nang Makita nila ako ay agad nila akong sinugod ng yakap. Na miss ko to!
Na miss ko sila…
“Bakit ba kasi ngayon ka nalang nagpakita saamin huh?” nagtatampong bungad ni Yuee saakin
“Busy lang talaga ako” defensive na sagot ko at ngumiti ng alangan
“For more that three years? Grabeng trabaho naman un! Ano un pati dokumento na dapat inaaral ng president ng Pilipinas ay inako mo na rin? Ung mga kaso na dapat ini-imbestigahan ng mga police ay ikaw na ang gumawa? Ano ba ang trabaho mo? Imbestigador? Ikaw ba si Beket sa Castle huh?hindi naman siguro diba?” Eksaherado at ubod ng sarkastikong sabi ni Yuee
“Luka luka! Tigilan nyo na nga ako, naging busy lang ako sa trabaho ko kaya ganun!” Nangingiting sabi ko
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
