Dedicated to>>> GIRLako :') Salamat sa patience mo sa pagbasa nito \(^w^)/ kahit na wala na mapanget sya mhehehe. Thank you thank you! Aylabyou :* Take care and God bless!
To everyone: God bless guys! Salamat salamat din :')
[Sherrill’s POV]
“Waah nababaliw na ako! Tigilan mo nga yang pagmumukmok mo dyan! Hindi pwedeng lagi ka nalang nagmumukmok, pati ako nahahawa sa aura mong yan” naiinis na sikmat ko sa kaharap kong si Karen
Nasa isang fast food kami at kumakain pero dahil gloomy ang aura nito ay pati ako, nawawalan ng ganang kumain =_____= wala akong planong mag diet!
“Sherrill, inom tayo! Gusto kong ung hard drinks, ung tipong pwedeng mong makalimutan kahit pangalan mo” malungkot na sabi ni Karen
“Eh kung iunpog nalang kaya kita?” bumuntong hininga ito
Naaawa na ako dito dahil ilang araw na rin itong puyat kaiiyak. Dahil tuloy dun ay bigla akong nainis kay EJ. Parang ilang araw palang eh sobrang saya ni Karen dahil dito at tignan mo nga naman ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit sobrang lungkot nito
Tama nga ang kasabihang the person who can make you smile can make you cry real tears. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nangyayari ito. Halata naman kasing mahal nila ang isa’t isa at wala talaga sa ugali at hitsura ni EJ na kaya nitong lokohin si Karen
Nang mapansin kong natulala nanaman si Karen at maya maya lang ay may namumuo nanamang mga luha sa gilid ng mga mata nito ay hindi ko na natiis at tumayo na ako
“Tama na nga, ang drama na huh!” naiinis na sabi ko rito
“Sherr…” naiiyak sabi nito saka nagyuko ng ulo
“Sya sya! Dahil pareho naman tayong bad vibes sa mga lalaking yan edi gayahin nalang natin ang mga ginagawa nila. Para naman kahit paano ay makasunod tayo sa laro nila” mapaklang sabi ko dito
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
