Dedicated to her! Sobrang napasaya mo ako sa comment mo sa previews chapter nito kaya this one's for you! :D Thank you so much!
To everyone pasensya na kung ang panget nito hehehe :3 God bless! THANK YOU!
[Karen’s POV]
“Are we there yet?” napangiti ako habang umiiling.
“No. Not yet” nakangiting sinulyapan lang ako ni Karenz saka nito ibinalik ang tingin sa labas ng bintana sa gilid nito. Nakaluhod ito sa upuan nito habang nakalapat naman ang dalawang kamay nito at noo sa salamin ng bintana.
Manghang manghang nakatingin ito sa dinaraanan namin. Pulos malawak na bukirin kasi iyon at kanina pa ako nito kinukulit kung pwede itong mag uwi ng kalabaw sa maynila. Kanina ko pa rin ito sinasaway at pinagsasabihan na umayos ng upo at ilagay ang seat belt nito pero masyado itong natutuwa at namamangha sa nakikitang tanawin sa labas. Ito kasi ang unang beses mula ng makauwi kami sa Pilipinas na nakagala ito ng malayo sa matao at magulong lungsod ng maynila
“Brad look! Look!” sabi nito habang itinuturo ang isa pa ulit na kalabaw na nakita nito na may hila hilang isang kubol na puno ng kung ano anong kagamitan na yari sa mga native at gawang kamay katulad ng abakang duyan at mga tumba tumba na pambata.
“That’s nothing, look here!” sabi naman ni Bradley na ang tinuturo naman ay ang nakita nitong pamilya ng baka na hila-hila ng dalawang matikas na manong
“Cool!” sabay na sabi ng dalawa. Natatawa nalang kami nila Sherrill habang pinagmamasdan namin ang mga reaksyon ng dalawang bata
“Sa ilang taon pa, hindi na natin sila makikitang ganyan” nakangiting sabi ni Sherrill mula sa passenger side at katabi nito ang asawang si Jeff
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
