Episode 24 *Coming home*

17.1K 195 8
                                        

[Karen’s POV]

Nahirapan pa rin akong mag adjust kahit na hindi naman iba sa akin ang paligid. Siguro dahil sa sitwasyon ko kaya naman parang ang dami-dami kong hinahanap at hindi mapakali. But with my parents help nakaya ko.

Habang nandun ako ay tumulong na ako sa kompanya ng pamilya ko. Nung una ay against ang parents ko dahil sa kondisyon ko. Sabi ko naman na hindi maselan ang pagdadalang tao ko kaya ayos lang sa akin ang magtrabaho.

I just don’t want to have time to analyze everything that had happen and perhaps I don’t want to think about how happy Ej and Ysa might be.

My parents let me manage a little café that was owned by my family. At natuwa naman ako sa ambiance nung café, it was so soothing, para ka lang nasa bahay. My mom design it actually, kaya naman may motherly touch ang café na nakakapag parelax talaga sa costumer.

It also has a patio with umbrellas outside, kahit naman kasi matirik ang araw ay hindi naman mainit sa pakiramdam katulad sa Pilipinas. Kaya marami rin ang may gusto na sa may patio nalang mag snack.

Madalas na nakakaranas kami ng rush hour dahil sa dami ng pumupunta at pabor naman sa akin iyon. Mas maraming trabaho mas maganda. I hated it when I have the leisure time to think and just rest. It made me so restless

Noong kabuwanan ko na ay ikinulong na ako ng mga magulang ko sa bahay at madalas na umuuwi sila ng mas maaga kaysa sa normal na uwi nila. They want to be with me when it was time for my delivery. And I find it so sweet

Isang gabi habang papunta sana ako sa kusina para magtimpla ng gatas, hindi kasi ako makatulog dahil sa matinding pananakit ng likod ko buong umaga at hapon. Nagulat nalang ako ng biglang umentra ng sobra ang sakit ng tiyan ko kaya sumigaw na ako at dali daling bumaba ang mga magulang ko. That was when my mom told me that maybe I was in the contraction the whole day so they hurry me to the hospital

Hours later I woke up with my mom on one side of my hospital bed holding my hand while her eyes we’re blurred with fresh tears

A way to get Pregnant (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon