A/NSalamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa nito :D God bless and I love you all! :DDD
Enjoy reading! :3
[Karen’s POV]
Tama bang ngayon ako nakakaramdam ng pag aalinlangan? Ilang araw nalang ang natitira at ikakasal na kami. Nakauwi na kahapon sila mommy galing sa Canada at sa ngayon nga ay nandito sila sa unit namin, kaya naman tuwang tuwa si Karenz dahil nakita na ulit nito ang granddad at grandma nito. Sa ngayon ay masayang naglalaro sa living room ang daddy ko at si Karenz samatalang ako naman ay nakaupo sa may kusina at tinatanaw lang ang mga ito habang si mommy naman ay nagluluto.
“Handa ka na bang talaga anak?” nagulat ako sa pagtatanong ng mommy ko ng ganyan kaya naman napatingin ako dito. Nakatalikod naman ito sa akin.
Alam kong madali lang naman talagang sumagot ng ‘oo’ at bakit naman ako hindi magiging handa eh maayos nanaman ang lahat at wala nang dapat ipag alala pero alam ko naman na hindi tungkol sa kasal ang tinutukoy nito. Napabuntong hininga ako saka nangalumbaba sa lamesa.
“ ‘My, paano nyo po nalamang si daddy na ang gusto ninyong makasama hanggang pagtanda?” balik tanong ko dito sahalip na sagutin ang tanong nito.
Dahan dahan naman itong tumingin sa akin at bahangyang ngumiti. Ilang beses ko na rin narinig ang tungkol sa love story ng mga ito dahil noong bata pa ako ay palagi iyong iki-nu-kwento ng daddy ko sa akin. Nag umpisa sila bilang magka-away at sa hindi iaasahang pagkakataon ay nahulog dito ang daddy ko at sinuyo nito ang mommy ko. Makailang beses ring tinanggihan ni mommy ang pagmamahal nito pero sadyang makulit ang daddy ko kaya walang nagawa ang mommy ko kundi ang mahulog na rin dito.
Kahit na ilang beses ko pang narinig ang kwento ng buhay ng mga magulang ko ay hindi ko parin naiiwasang mapangiti tuwing naaalala ko iyon. Mula kasi high school ay naging sila na at tingnan mo nga naman ngayon, wala paring kupas ang pagmamahalan nila. Kaya naman hindi ko maiwasang humanga sa pagmamahalan nila.
Kung sana lang ay may happy ending din ang love story ko…
“Hindi ko rin naman alam na sya ang gusto kong makasama habang nabubuhay ako. Alam mo bang ang akala ko noon ay hindi kami magtatagal ng isang taon manlang?” natawa ito ng mahina at maging ako ay napangiti na rin “pero heto at kami parin ang magkasama”
“Kaya nga po. Pero noong i-nalok niya kayo ng kasal, anong naging basehan ninyo para tanggapin ang alok na iyon?”
Pinatay na nito ang kalan at nagpunas ng mga kamay sa apron na suot nito saka hinubad iyon at nilagay sa sabitan sa gilid ng ref saka lumapit sa akin. Umupo ito sa kalapit ng inu-upuan ko.
“Maniniwala kabang tumakbo ako nung nag propose ang daddy mo sa akin?” nagulat ako sa sinabi nito kaya naman umilig lang ako. Narinig ko namang tumawa ito ng mahina saka nagpatuloy sa pagsasalita
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
Ficção GeralKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
