Episode 11 *Possessive?*

18.1K 174 17
                                    

A/N Dedicated to her kasi lalabs ko sya! Hehe Salamat sa patuloy na pagbasa nito neng :) At na-appreciate ko talaga ung comment mo dito at sobrang salamat na ikaw ang unang nakabasa nito at unang nakapag comment hahaha :) God bless you! Keep safe and Aylabsyu :3

[Karen’s POV]

“Hoy! Maharot na babaeng nag papanggap na mahinhin, papatayin mo ba ako kahapon? Bigla ka nalang nawawala ah” malakas na sabi ni Sherrill sakin

Tinaasan ko lang ito ng kilay at hindi umimik

“Napaka walang puso mo! Hindi mo ba alam na halos mamuti na ang mga mata ko dahil sa gutom tapos ikaw ay nakikipag harutan lang naman kung kanino. Hmf! Gumagawa pa kayo ng milagro ni EJ mo!” doon ko na ito naiiritang binato ng kinakain kong cheese curls

“Hoy, maharot na babaeng masyadong bulgar! Ako’y wag mo ngang inaartehan ng ganyan. Akala mo naman kung ano nang mabigat na kasalanan ang nagawa ko sayo kung maka sumbat ka dyan. At pwede ba, hinaan mo nga ang boses mo. Iniiskandalo mo ang mga pagkatao natin pareho” suway ko dito

Nasa isang food court lang naman kami ng mga oras na iyon at katatapos lang kumain. Iyan na agad ang sinabi nya sakin pagkatapos kong sabihin dito ung mga nagyari sa pagitan namin ni EJ – pero syempre hindi ung mga part na helpless ako, katulad nalang nung umiyak ako – pero nasabi ko naman dito ung mga confusions na nararamdaman ko

  “Eh bakit? Pakielam nila? Saka maharot kang tunay” binato ko ulit ito ng cheese curls “ano ba? Ikaw ba ang naglilinis dito? Bato ka ng bato. Tignan mo oh, ang sama na ng tingin satin ni manong janitor” itinuro nito ang lalaking nakatingin nga s aamin ng masama habang umiiling iling

Tinaasan ko ito ng kilay saka inirapan “hoy, babae wag kang magmalinis at ibunton sakin lahat ng sisi sa pagkakalat. Tignan mo nga at puro Piatos na ung inumin ko kababato mo kanina. Ipainom ko sayo to eh” inismiran ko ito

Paano para itong tanga kanina habang nag ku-kwento ako nang mga nagyari. Parang kinikilig na ewan, samantalang wala namang nakakakilig sa mga sinabi ko. Ako nga naiinis eh tapos sya hagikgik ng hagikgik. Ewan to the max!

Saka kung makapag salita naman kasi ito parang palagi nalang nakalunok ng mega phone na naka full volume. Kaya naman kanina pa napapahiya ang mga lahi namin dahil sa mga pinagsasasbi nito

A way to get Pregnant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon