A/N Dedicated ko sayo to! Utang ko ang mga tawa ko sayo! At ito lang ang kaya kong ipangbayad haha. I really appreciate the little conversation hehe. Sobrang pinasaya mo talaga ako hehe :) Salamat ng marami :) God bless! Keep safe :')
[Karen’s POV]
“EJ san ba talaga tayo pupunta huh?” nagpalinga linga ako sa labas ng binta ng kotse. Wala kasi akong makitang pamilyar
Baka tinotoo nitong kidnappin na nga ako ah? Di kaya? O baka naman ibebenta na ako ng best friend ko sa mga hannibals? O______O
Nang hindi ito sumagot ay tumingin ako dito. Nakita kong nakangiti lang ito habang nakapako pa rin ang tingin sa daan
“Hoy! Mayaman ka na, hindi mo na kaiangang mangid-nap para magkapera” pagbibiro ko dito. Tumingin lang ito sakin sandali na parang may nasabi akong nakaka alien
“Ano?” sandaling nag isip ito sakangumiti ulit “Hindi naman pera ang hihingin kong kapalit kung saka sakaling maisip ko ngang kidnapin ka”
“Eh ano pala?”
“Ikaw mismo!” nanlaki ang mata ko sa sagot nya
“ANO?” napasigaw ako hindi dahil sa gulat kundi dahi sa bigla nanamang pagwawala ng puso ko.
Hay! Bakit ba abnormal ngayon lahat ng bagay para sakin?
Tumawa ito ng malakas na parang may sinabi akong sobrang nakakatawa.Hinampas ko naman ito sa braso ng mahina
“Ano ba? Makatawa wagas? May bukas pa!” kunwari’y naiinis nasabi ko
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
