Episode 26 *the truth*

21.1K 236 21
                                        

A/N God bless po!! :") Thank you!


 

[Karen’s POV]

Naiahatid ko na si Karenz sa school at kasalukuyang nasa mall ako at nag iintay kay Michael.

Oo, si Michael nga. For the last 6 years ay ito ang nakasama ko, naging karamay at sandalan. Nagtaka ako noong makita ko ito sa states after 3 months ng panganganak ko kay Karenz. Nasa bahay na ito ng mga magulang ko at nag iintay sa akin.

Flashback…

 

 

 

Six years ago

Galing ako ng tranbaho at sa bahay pa kami ng mga magulang ko nakatirang mag ina dahil wala rin naman akong pag iiwanan kay Karenz. Mabuti doon at kilala ko ang nag aalaga dito na si nana Tacing. Bata palang ako ay ito na ang nag alaga sa akin noon kaya naman walang pag aalinlangan na dito ko rin ipinauubaya si Karenz.

Ang mommy at daddy ko ay maaga nang umuwi, mas nauuna pa nga sila sa akin dahil sabik sila sa apo nila. Miski naman ako ay parang gusto kong nasa bahay nalang ako at ako na mismo ang mag alaga sa anak ko kaso inaalala ko rin naman ang mga tauhan namin sa café.

At saka hindi ko naman pwedeng iasa lang sa mga magulang ko ang lahat ng gastusin naming mag ina. Mas gusto ko kasing ako ang tumutustos sa anak ko. Mas masarap sa pakiramdam bilang ina na ikaw mismo at galing sa pagod mo ang napupunta sa anak mo.

My parents understand me kaya naman hanggat maaari ay hinahayaan nila ako sa mga gusto kong gawin. Actually I’m planning to move someplace else, hindi rin naman malayo dito sa kanila kasi gusto ko lang maging independent kami pero hanggat wala pa akong nahahanap na mapagkakatiwalaang mag aalaga kay Karenz ay napo-postpone ang pag lipat namin.

“Mom, asan po si Karenz?” pagkadating na pagkadating ko ay iyan na agad ang binungad ko

Tinanggal ko ang coat ko at isinabit ito sa may lagayan sa pinto. I round the house to look for my precious angel ng hindi pa rin sumagot ang mommy ko ng tawagin ko uli ito. Nakita ko naman si Karenz sa nursery room nito. Gising ito at nang makita ako ay agad na nagkakakawag ito at itinataas ang mga kamay at paa

A way to get Pregnant (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon