Dedicated to my sweet guardian angel! Hi Mic ko!!! :D para sa'yo ang chapter na ito. Pag pasensyahan mo na lang dahil panget sya hehe pero ibinibigay ko ito sa iyo kasama ang buong puso ko! Hehe I love you sis at alam mo yan! Take care and GOD BLESS YOU MORE :*
A/N Hindi ko alam kung magugustuhan nyo itong chapter na to hehehe kaya ngayon palang humihingi na ako ng pasesnya dahil sa kakulangan ng emosyon pati na rin sa katagalan mag update hihi Pasensya na po! :’) God bless! Thank you sa lahat ng patuloy na bumabasa nito. Aylabyah all! :D
[Karen’s POV]
May pagmamadaling nagtungo ako kung saan pwede akong makapagtanong. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko at parang hihimatayin na talaga ako ng matanggap ko ang tawag mula sa daddy ko.
“Muntik nang mabangga si Karenz pero ayos nanaman sya. Iniligtas sya ni John… Nasa ospital kami ngayon.”
Oh God! Ano ba tong mga nagyayari na to? Halos pangapusan ako ng hininga dahil sa kaba ng marinig ko iyan na sinabi ng daddy ko. Nag aalala ako para sa anak ko at kay EJ. Pagkatapos ng pag uusap naming iyon ay agad na nagpaalam ako kay Michael, inihatid naman ako nito sa ospital pero may biglaang kailangang puntahan kaya nagsabi nalang na mamaya nalang ito susunod. Kaya heto nga ako ngayon at kinakabahan pa rin habang tinatahak ang daan patungo sa kwarto ni EJ.
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o mapapaupo nalang sa sahig ng marating ko ang kwarto nito. Ang mga magulang ko ang unang nakapansin sa akin at agad naman akong nilapitan ng mga ito. Sinabi nila sa akin ang kondisyon ni EJ. Maayos naman daw ito sabi ng doktor pero kailangang magpahinga dahil hindi rin biro ang mga sugat na tinamo nito.
Nakita kong nakangiti pa ito habang dinadaldal ito ni Karenz kahit na puno ng benda ang katawan nito. Agad na may naramdaman akong mumunting kurot sa puso ko ng makita ko ang kalagayan nito. Para kasing kahit nahihirapan na ito ay nagagawa pa rin nitong ngumiti para sa anak namin.
“Karenz!”
Agad naman na tumingin si Karenz sa akin at agad din itong bumaba mula sa silyang kinauupuan nito at pumunta sa akin. Binuhat ko ang anak ko at agad na hinalikan ang pisngi nito. Hindi ko alam kung bakit pero parang miss na miss ko na ito. Matapos nun ay tinanong ko ito kung kamusta ang pakiramdam nito at sinabi naman nitong ayos lang daw. Nag umpisa itong mag kwento tungkol sa mga nagyari at wala akong nagawa kundi ang halikan nalang ulit ito sa tuktok ng ulo ng matapos ito sa pagsasalaysay.
Lalo yatang lumakas ang tibok ng puso ko ng matapos ito dahil sa kung anong dahilan ay naantig talaga ang puso ko sa ginawa ni EJ para dito. Sukat na ipangharang nito ang sarili para lang maging ligtas si Karenz kahit pa alam nitong kung minalas malas ay pwedeng mas maging grabe ang kinahinatnan nito.
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
