[Karen’s POV]
“I wish I can always hold you like this”
Alam kong may sinabi si Michael pero hindi ko na naintindihan iyon, nakakatulog na ako at nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Naramdaman ko ang paghigpit nito sa pagkakakapit saakin at bahagya itong gumalaw para halikan ang tuktok ng ulo ko
Hindi ko na binigyan ng malisya iyon. Baka naman paraan lang nito iyon para magpakita ng kagiliwan sa isang babae. Imposible naman kasing may ibigsabihin iyon bukod sa fling
Nakakatulog na ako, napapapikit na at pakiramdam ko ay natutunaw na ako sa yakap nito, umiikot na rin ang paligid ko ng bigla akong mapamulat dahil may malakas na pwersang humila sa braso ko palayo kay Michael
At ang sunod kong nakita ay si Michael…
Nakahandusay sa sahig, nagtatakang napatitig lang ako rito ng maya maya ay pinapaulanan na ito ng suntok ni EJ
.
.
.
.
.
.
EJ? O___________O
Parang nawala bigla ang pagkalasing ko at agad akong umawat sa dalawa
“EJ, tama na!” awat ko rito pero mukang hindi ako nito narinig dahil tuloy lang ito sa pagsapak kay Michael
Nang akmang susuntukin nanaman nito ang lalaki ay pinigilan ko na ang braso nito. Galit na galit na napatingi ito saakin
“Tama na!” sigaw ko rito
Nang tumayo ito at lumayo sa kinaroroonan ni Michael ay may humawak na rito sa braso. Ung mga bouncer ng Bar. Nagtatanong sila kung anong nagyari kaya nagkakaingay na sa loob. Umupo ako sa tabi ni Michael at tinulungan itong makaupo
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
Ficción GeneralKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
