[Karen’sPOV]
Nagmamadaling inayos ko na ang mga gamit ko mula sa opisina. Dahil ilang oras din ang binuno ko para lang matapos ang design na hinihingi ng ilang costumer namin ay sumakit ang ligod ko at batok kaya naman nag stretching muna ako at hinaplos-haplos ang batok bago tuluyang tumayo sa pagkakaupo
Hinubad ko na rin ang salamin na sinosuot ko paminsan minsa kapag nagtatrabaho ako
Pagkalabas ko ng opisina ko ay saktong akma namang kakatok doon si Sherrill kaya nagtaka ako
“Oh bakit Sherr? May kailangan ka ba? Susunduin ko pa kasi si Karenz sa school eh”
“Huh? Ah wala naman, gusto ko lang malaman kung uuwi ka na ba? About naman kay Karenz, wag ka nang mag alala papunta na dun si Jeff, susunduin na rin nya si Bradley, sabi ko isabay na si Karenz” nagtaka naman ako sa sinabi nito
“Isabay? Ang layo naman ng bahay nyo sa bahay namin. Nakakahiya namang idadaan pa ni Jeff si Karenz, masyadong out of the way na un” napamaang ito sa sinabi ko kaya naman napaisip ako kung may nasabi ba akong mali
“Bakit ganyan ang hitsura mo?” nakataas ang isang kilay na tanong ko
“Paanong hindi eh mukang tumatanda ka na talaga” nailing habang nakangiting sabi nito
“Huh? Anong ibig mong sabihin?” nakataas parin ang isang kilay na tanong ko
“Ibig kong sabihin, mukang puro trabaho nalang ang nasa isip mo kaya naman pati birthday mo ay hindi mo na natatandaan” napatingin lang ako dito saka kinuha ang cell phone na nasa bulsa ko
Tinignan ko ang date ngayon at ayun, tama nga. Birthday ko pala
“Hindi ko lang napansin” pag depensa ko sa sarili ko
“Ayaw pang umamin na matanda na eh” nangingiting sabi nito
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
Ficción GeneralKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...
